^

Pang Movies

Jo berry, may pinapakitang talent

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jo berry, may pinapakitang talent

Ang ganda ng teaser ng serye na ginawa ni Jo Berry sa GMA 7, ang Little Princess.

Very exciting kaya nakakasabik panoorin dahil marami rin naging followers si Jo Berry mula nang mapanood siya sa Onanay at sa iba pang niyang ginawang teleserye.

Nakakatuwa na makita na nagtatagumpay ang isang Jo Berry dahil isang inspirasyon ito para sa lahat.

Kung isang tulad ni Jo hayan at tinatanggap bilang isang star, dapat maisip ng sinumang baguhan na basta meron silang talent, kaya din nila.

Congrats Jo. Nood tayo ng Little Princess.

Mga baguhan dapat patunayang hindi katulad ng fireworks

Gusto ko iyon bagong pangalan ngayon ng GMA Artist Center, ang Sparkle. Totoo naman na only the brightest stars ang puwedeng magbigay ng sparkle kaya very challenging para sa stars ng GMA 7 ang ipakita ngayon na kaya nilang harapin ang hamon sa kanila.

Sparkle, be brighter than the rest, show your best. Bongga kaya naman hopeful ang marami na makikita na lalo pang magiging maningning ang mga GMA7 talents.

Mukha naman may future sila Ruru Madrid, Bianca Umali, Gabbi Garcia at iba pa.

Kaya hintayin natin ang pag-sparkle nila. Ngayon na parang iba na ang taste ng followers sa mga star na gusto nila, tiyak na mas lalo pang challenge sa mga baguhan kung paano mag-stay ng matagal sa itaas.

Shine brighter and longer. Dahil dapat hindi biglang sikat tapos mawawala rin agad. Dapat matagal na nasa itaas para makita iyon tibay ng stardom mo. Dapat ang mga sumisikat tumatagal gaya nila Sharon Cuneta o Richard Gomez. Huwag biglang sikat, tapos two projects lang, laos agad.

Ingatan nila dapat ang stardom pag nasa kamay na nila. Ayusin ang trabaho, huwag magbago ang magandang ugali. Patuloy na pag-aralan kung paano mas magiging mahusay na artista.

Hindi parang fireworks, biglang kislap, tapos wala agad.

vuukle comment

JO BERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with