^

Pang Movies

John Lloyd, natulala nang tumira sa El Nido

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
John Lloyd, natulala nang tumira sa El Nido

Nag-open up si new Kapuso leading man John Lloyd Cruz sa exclusive interview sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho, on why he took a break ng ilang taon from showbiz at naglagi sa El Nido, Palawan. “It was the right time to be kind to myself, to start some healing.  It was the right time to start the journey of unlearning,” wika ni JLC.  “Before that kasi, more than two decades akong kayod nang kayod, non-stop.  Then I found myself on the beautiful island of El Nido.

“Nang unang mag-stay ako roon, parang natulala ako sa paligid ko. Gusto ko lamang tumahimik noon, kaya iyon ang reason kung bakit gusto kong bumalik nang bumalik doon,” pahayag ng aktor.

Kita kay Lloydie ang saya habang binibigyan siya ng mga instructions ni Jessica para sa mga ipinagawa sa kanya sa show. Hindi rin ikinaila ni JLC na masaya siya sa katatapos na wedding ng dating girlfriend na si Ellen Adarna kay Derek Ramsay.

May mga video ring ipinakita ang show kung gaano kasaya ang mag-amang Lloydie at Elias kapag magkasama sila. Excited na rin si JLC sa pagsisimula niya sa GMA Network ng sitcom na ididirek ni Edgar Mortiz.

Mga taga-Sorsogon, may hang-over kila Heart...

Very supportive husband si Sorsogon City Governor Chiz Escudero, sa actress-wife niyang si Heart Evangelista, nang magsimula ang pilot week ng bagong romantic-series nitong I Left My Heart in Sorsogon sa GMA Primetime. Nakatanggap kasi ng favorable comments from the viewers ang serye lalo na at four years daw nilang na-miss si Heart on TV.

Bukod sa series of tweets ni Gov. Chiz kung gaano ka-successful ang show, nag-set up pala siya ng special screening sa provincial capitol na pinanood ng kanilang employees and their family members na natuwa at nagpasalamat sa effort ng GMA para ipakita ang mga most scenic places sa kanilang probinsya. Siyempre ay maraming natuwa nang makita nila nang personal ang mga co-stars ni Heart na sina Richard Yap, Paolo Contis, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, at iba pang members ng cast, habang naka-lock-in taping sila roon.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with