^

Pang Movies

Agot, ‘di nakapagpigil sa magarbong kasal ng Kongresista

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Agot, �di nakapagpigil sa magarbong kasal ng Kongresista
Agot

Sa panahon ngayon, ang hirap magkaroon ng bonggang party o anumang kakikitaan ng sobrang gastos. Kahit pa nga sabihin mo na pera mo ang ginasta mo, at minsan lang mangyari sa buhay mo kaya itotodo mo na. Tingnan mo ang wedding ni Cong. Claudine Bautista na talagang binigyan ni Agot Isidro ng sobrang comment.

Kung iisipin mo, sa isang babae ang debut at kasal niya usually ang pinaka-memorable. Siguro matagal ang preparasyon dito ni Cong. Claudine at pamilya niya, at hindi nila akalain na papatak kung kelan may pandemic kaya parang binigyan ng kulay at lumabas na insensitive sila. Kasi nga, ang daming naghihirap, nawalan ng trabaho, nagugutom. Kaya para ngang hindi panahon para gumasta ng malaki. Pero bigyan din natin ng katuwiran na baka naman noong wala pang pandemic nila ito plano, medyo nakakaloka nga na ngayon lang ginanap.

Hindi naman siguro kasalanan kung sa panahong ito meron kang kakayahang gumasta ng ganun kalaki. Iyon naman talaga ang batas ng buhay, merong may pera, meron ding wala. May busog, may magugutom. Hindi kasalanan na mas masuwerte sila kesa atin, mas may biyaya sila ngayon, at tayo wala.

Kanya-kanyang panahon, malay natin bumaligtad ang mundo, umikot, at tayo naman ang may pera, at sila naman ang wala. Basta, lagi lang nating tatandaan, weather-weather lang iyan, puwede ngayong umuulan, bukas matindi ang araw.

Hayaan na nating lumigaya sila sa kanilang wedding, pray na lang nating ma­ging maligaya sila. Sabi ni Agot Isidro, ‘yung gown na gawa ni Michael Cinco, marami nang drivers ang maibibili ng pagkain, suggest na lang natin na tutal nagamit na, ibenta na lang at ibigay ang pera sa drivers na nagugutom.

O kaya, dahil sila ang nagagalit sa sobrang display ng wealth, sila na lang bumili. Mas ok ba iyon? Naku, kung ano naman naiisip ko, ayaw ng fall at pour, hah hah , joke joke joke.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with