^

Pang Movies

6 timbog sa illegal quarrying sa Batangas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim na indibiduwal ang dinampot ng mga ahente ng National Bureau of Investigation- Environmental Crime Division (NBI-EnCD) sa isinagawang pagsalakay sa illegal quarrying operations, sa Lian, Batangas.

Kinilala ni NBI Officer-in-Charge Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Rodel Marinduque, Francis Dacuya, Claudio Tamayo, Roger Betonia, Sonny Marinduque, at Jovencio Malabanan, na pawang naisalang na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DOJ) sa paglabag sa Republic Act No. 7942 (Philippine Mining Act of 1995).

Nag-ugat ang pagsalakay nang humingi ng tulong ang Department of Environment and Natural Resources-Environment Protection and Enforcement Task Force (DENR-EPETF) kaugnay sa quarrying site na walang permit.

Inalam ng NBI ang lugar at natukoy na may nagaganap na quarrying sa kabila ng cease and desist order na inisyu ng DENR.

Nagsagawa ng verification ang NBI sa Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) ng Batangas at nakumpirma na wala itong inisyung permit para magkaroon doon ng pagmimina.

vuukle comment

ILLEGAL QUARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with