^

Pang Movies

Tom, uunahing asikasuhin ang serye kesa kasal nila ni Carla

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Tom, uunahing asikasuhin ang serye kesa kasal nila ni Carla
Carla at Tom

Bukas na, May 18, ang simula ng lock-in taping ng The World Between Us.

May mga nauna nang Instagram post sina Tom Rodriguez, Jasmine Curtis-Smith at Alden Ri­chards sa kani-kanilang hotel rooms, kaya alam na ng fans na magsisimula na silang mag-taping.

At last Saturday evening nga ay nagkaroon muli ng script reading ang tatlo, kasama sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, with director Dominic Zapata. Isa rin sa cast si Glydel Mercado na may special participation, pero susunod pa rin siya sa health protocols kasama na ang quarantine at RT-PCR test. 

Samantala, matitigil na siguro ang fake news ng mga YouTube vloggers na kaya raw wala si Alden Richards sa Eat Bulaga, dahil naka-lock-in shooting na sila ni Bea Alonzo ng movie nila for Viva Films na A Moment To Remember. The truth was, tinapos na muna ni Alden ang TV commercial shoots niya ng kanyang solo endorsements at ang commercial shoot nila ni Bea para sa isang brand ng shampoo na inabot ng tatlong araw bago natapos.

Balitang naiiba ang character na gagampanan ni Alden sa The World Between Us.

Last two teleseryeng ginawa ni Alden ay ang Victor Magtanggol at The Gift.

Meanwhile, tamang-tama naman na bago ang lock-in taping nila, si Tom, after twice na nag-positive sa RT-PCR Tests, 14 days apart, Instagram post niya na officially negative of COVID na raw siya! At pagkatapos ng lock-in taping nila, ang haharapin naman niya ay ang preparation sa nalalapit nilang wedding ng fiancée niyang si Carla Abellana sa October 21, 2021, sa Tagaytay City.

Pauline, hindi masyadong makalapit sa bf na mayor

Simula na ngayong Monday, May 16, ang finale week ng Babawiin Ko Ang Lahat, kaya naman tapos na ang lock-in taping ng buong cast, at libre na ang lead actress na si Pauline Mendoza na harapin naman niya ang bago niyang business, ang pagtatayo ng Beautederm store sa Alaminos, Pangasinan.

Tagaroon si Pauline at ang boyfriend niya ay ang mayor nila sa Alaminos, si Mayor Bryan Celeste, at kasama naman ngayon ni Pauline ang family niya roon, habang wala pa siyang pagkakaabalahan sa Manila.

More than a year na ngang LDR (long distance relationship) sina Pauline at Mayor Bryan dahil nasa Manila ang actress at si Mayor naman ay busy sa kanyang cons­tituents, kaya nga bihira silang magkita dahil kailangan din nilang sumunod sa health protocols, lalo si Mayor na exposed lagi sa mga tao.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with