^

Pang Movies

Barbie, itatambal kay Alden!

Gorgy Rula - Pang-masa
Barbie, itatambal kay Alden!
Barbie

MANILA, Philippines — May binubuong drama series raw ngayon ang GMA 7 para kay Alden Richards. Ang sabi ng ilang napagtanungan namin, wala raw leading lady dito ang aktor. Pero may naririnig din kaming makakasama niya rito si Jasmine Curtis-Smith.

Masyadong maaga pa para kumpirmahin ng GMA 7 dahil bandang April pa raw magsisimula ang taping.

Nang pinag-usapan ito sa aming radio program sa DZRH, ang da­ming nagpadala ng komento na mas bagay daw kung si Barbie Forteza ang i-partner kay Alden. Nakikita raw nilang bagay ang dalawa nang magkasama silang nag-host sa All-Out Sundays.

Marami nga ang nakakapansin na ang daling bagayan ni Barbie. Halos lahat na drama series nito ay naghi-hit at nagugustuhan ng mga manono­od.

Ito ngang napapanood ngayon sa GMA Telebabad na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday ay nakikita ring bagay sila ni Migo Adecer. Kaya natutuwa sa kanya ang bosses ng GMA 7 dahil kahit na sino raw ang ipina-partner sa kanya sa drama series ay nagkakaroon ng chemistry.

Hindi pa nagka-partner sina Alden at Barbie, kaya malay natin baka nga buma­gay silang dalawa at magustuhan ng fans.

Liza at Vivian, nagkasundo na

Nakakatuwa ang balitang hatid ng Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño na nagkakasundo na sila ng Director General ng Film Aca­demy of the Philippines na si Vivian Velez.

Kuwento ni Liza nang makatsikahan namin sa virtual mediacon ng Film Ambassador’s Night, nagkikita raw sila sa meeting ng Board of Trustees at marami raw sina-suggest si Vivian para sa movie industry at nagkakasundo sila roon.

Isa nga raw sana sa gustong aksyunan ni Vivian ay ang vaccination sa mga taga-industriya. Baka puwede rin daw ma-prioritize ang nasa movie industry, dahil nagsisimula nang mag-shooting at mag-taping ang mga artista at production staff.

Pero ang isa pang urgent na gusto sana nilang aksyunan agad ay ang pag-waive ng amusement tax. Isa nga raw ito sa sina-suggest ni Vivian nang magharap sila monthly meeting ng Board of Trustees. Ani Liza: “In-open niya (Vivian Velez) sa buong council ‘yung mga proposals niya on how we can further help the industry.

“So, isa sa mga ihinatag niya sa amin ay nagkaroon siya ng pakikipag-usap sa PMPPA (Philippine Motion Pictures Producers Association), at ang meeting niya sa PMPPA ay ‘yung waiving of amusement taxes.

“And of course, separately, kami (FDCP) last year, meron na kaming sinet na meeting sa bawat isang Metro Manila mayor na ka-partner na namin, na gumawa ng sari-sarili nilang ordinansa for the waiving of amusement tax for at least three years para lang po ma-cushion iyong impact ng covid.”

Kaya nagkakausap daw sila ni Vivian, dahil iisa lang naman ang kanilang hangarin – na maipaparating ang tulong sa movie industry. “Nakakatuwa kasi… again, when our goal is for the betterment of the industry… ‘yung goal is talagang nakatulong, nawawala ‘yung sari-sariling sentimiyento o meron kaming hindi pagkakaunawaan. So, very happy siya, very receptive siya, very supportive siya dun sa mga gagawing hakbang,” dagdag na pahayag ng FDCP Chairperson Liza Diño.

Excited na rin si Liza sa first event ng FDCP ngayong 2021, ang pamamahagi ng parangal sa filmmakers na nagwagi sa iba’t-ibang international film festival at pati sa TV. Ang Film Ambassador’s Night sa February 28 ay mapapanood sa FDCP Channel. 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with