^

Pang Movies

Big Brother, pinatawad at pinangaralan ang housemates na nag-yes sa shutdown

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sina Russu Laurente and Crismar Menchavez pala ang napa-blind item noon na nag-audition sa Pinoy Big Brother gayung kasama pala sila sa mga nakiisa sa “yes to shutdown” ng ABS-CBN.

Mismong ang dalawang housemates ang nag-confess kay Big Brother sa latest episode ng PBB Connect. “Marami po nagsasabi sa akin, ‘di ba nong panahon is halos sumang-ayon ka o sumama ka sa mga nagpapasasara? Bakit ngayon nag-audition ka sa Big Brother?’

“Sinabi ko po talaga nang harap-harapan sa kanila na ‘yung mga panahon na iyon ay hindi ko pa na-realize or nalaman ‘yung totoong sitwasyon. Kumbaga hindi ko pa nalagay ‘yung sarili ko sa sitwasyon ng mga taong iyon,” paliwanag ni Russu kay Kuya.

Naintindihan naman ni Big Brother si Russu pero pinangaralan din niya ito sa pagkakamaling nagawa. “Nakakabitaw tayo ng mga salita, nanghuhusga tayo base sa mga hindi kumpletong impormasyon. Madali tayong maimpluwensyahan o madala sa opinyon ng iba kaya naman hindi naging tama ito. Alam ko na iba’t ibang tao may kanya-kanya at may iba’t ibang opinyon pero ang magnais ng kapahamakan sa iba, ito ay hindi katanggap-tanggap,” pahayag ni Kuya.

Kasunod nito ay nag-apologize si Russu kay Kuya.

“Alam ko po, Kuya, na nasaktan po kayo na minsan po isa rin ako sa mga sumang-ayon sa pagpapasara ng iyong tahanan ng mga panahong hindi ko pa alam ‘yung mga nangyayari, ‘yung mga totoong nangyayari po sa mga nakikita ko po, Kuya. I’m sorry po, Kuya, kung nasaktan ko po kayo at ‘yung pamilya po ng ABS-CBN,” ani Russu.

Si Crismar naman ay umamin ding naging pabor siya sa ABS-CBN shutdown bagama’t hindi naman daw niya ito ipinost sa social media.

“Humihingi po talaga ako ng tawad, Kuya, kasi I know na, parang once in my life, parang I don’t care kung maikling time lang ‘yun na nag-agree ako, pero I did agree sa thought ko na yeah, nag-yes po ako sa thought ko although hindi ko siya pinost and everything pero yeah, I agreed to the shutdown po, kuya, and I am ashamed of it and I’m sorry po talaga, Kuya,” sabi ni Crismar.

Inamin naman ni Big Brother na hindi talaga ­naging madali para sa kanya ang nangyari sa network pero dahil bahagi na ng pamilya sina Crismar at Russu ay tinanggap naman nito ang apology ng dalawa.

Samantala, last Sunday ay si Russu ang na-evict matapos makatanggap ng pinakamababang boto (4.39% of combined Kumu and text votes).

Ayon sa opinyon ng netizens, nakaapekto nang husto sa boto ni Russu ang pag-amin niya ng “yes to shutdown.”

After the broadcast ay nag-post naman ang host na si Toni Gonzaga sa kanyang Instagram account at ipinagtanggol si Russu laban sa bashers.

“Back to work this 2021. For our 2nd eviction night housemate Russu was evicted because of a mistake he did that eventually made him realize the damage it has done.

“People are very quick to judge him, call him names and crucify him on social media because of it without realizing that at 19 years old, he doesn’t know the gravity of words spoken.

“He has learned his lesson and this will help him grow and mature in life. And now that he knows better, He will do better.

“May this also serve as a reminder for us to not define and label a person by the mistakes they’ve committed but from how they rise up, rebuild and become a better person they are really supposed to be.

“I hugged the boy after the show and he kept apologizing. Forgiveness is a gift everyone deserves,” ang post ni Toni.

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with