^

Pang Movies

Mark, siguradong masaya para kay Andi

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mark, siguradong masaya para kay Andi

Sa nalalapit na kasal ni Andi Eigenmann to the father of her two kids, champion surfer Philmar Alipayo, marami sa mga dating kakilala ng kanyang late dad, actor Mark Gil, ang nanghinayang na hindi na ito masasaksihan ng kanyang ama.

Andi was the apple of her dad’s eye. To him, waring hindi puwedeng magkamali si Andi.

Kaya, tikom lang ang bibig ni Mark when Andi gave birth to her panganay, si Ellie, now nine years old.

Feel kasi ng marami, had Andi asked Ellie’s dad, Jake Ejercito, to marry her, he would have done so.

Lalo’t if Mark had asked Jake to. Mark’s prediction that Andi would make it as an actress almost happened, after Agua Bendita.

Andi chose to quit showbiz, though. She obviously wants to be a plain mother lang.

Well, Mark must feel happy for Andi in heaven.

Sharon, makukumpleto ang Bagong Taon

Ang mag-ina ay mag-ina, no matter what.

Magkaroon man sila ng tampuhan, o kaya, disgustuhan, magkakabati sila.

Which is what happened kina Sharon Cuneta at KC Concepcion, na balitang back to each other’s arms ang dalawa. In fact, makakasama na nina Sharon at ng mga anak niya kay Sen. Kiko Pangilinan sa kanilang bagong tirahan si KC kung totoo ang kuwento.

Kaya, happier than thou si Sharon ngayong magbabagong taon. Lalo pa nga at she is turning 55 on her birthday on January 6.

Elha, may natutunan sa first heartbreak

Nasaktan man daw nang labis ang 16-year-old singer na si Elha Nympha sa kanyang unang karanasan sa pag-ibig, hindi raw siya nagsisisi.

At least daw ay may natutunan siya, ang huwag magtiwala sa unang lalaking nag-profess sa iyo ng pag-ibig. Kahit pa feel mo, mahal mo rin ito.

Winner si Elha ng second competition ng The Voice Kids in 2015.

In any case, dahil sa naunsyaming pag-ibig, natutuhan niyang pahalagahan ang sarili at ang kanyang looks. Well, Elha really looks better now than she used to.

Magikland, maraming aral

What makes the Metro Manila Filmfest (MMFF) 2020 entry, Magikland, an ideal movie (online) to watch ngayong Pasko, ayon sa direktor na si Christian Acuña, is not because inspired ito ng two well-admired fantasy series na sinulat at isinalin sa pelikula ng late magaling na direktor na si Peque Gallaga, Magic Temple and Magic Kingdom, kundi may lesson na mapupulot ang mga kabataang manonood nito, lalo pa nga’t Pasko.

Yes, the Magikland cast are mga young talent, all four of them, Elijah Alejo, Princess Rabara, Miggs Cuaderno at Joshua Eugenio. All four of them play characters na tiyak makaka-relate ang mga kabataang pawang manonood lang sa bahay, dahil wala naman talagang choice.

Magikland, plus the other nine entries ng MMFF 2020, are shown exclusively via upstream.ph sa halagang P250 only.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with