^

Pang Movies

15th housemate, galing Europe

Pang-masa
15th housemate, galing Europe

MANILA, Philippines — Nanganganib na mapaikli ang paninirahan nina Aizyl Tandungon, Justin Dizon at Mika Pajares sa bahay ni Kuya dahil isa sa kanila ang maaa­ring mamaalam na bilang housemate sa nalalapit na first eviction night ng PBB Connect sa Linggo.

Base sa naging botohan ng housemates, si Aizyl ang nakaani ng maraming boto para sa eviction na may 17 puntos. Sumunod naman si Mika na may pitong puntos, habang apat na puntos ang nakuha ni Justin.

Katulad ng ibang edisyon ng PBB, nasa kamay ng outside world kung sino ang gusto nilang manatili pa sa bahay ni Kuya. Pero para sa unang eviction night ng PBB Connect, sabay na magagamit ng taumbayan ang kanilang power to save and power to evict sa pamamagitan ng SMS at Kumu.

Para iboto ang housemate na gustong iligtas, i-text ang BBS NAME OF HOUSEMATE sa 2366. Para naman sa housemate na gustong i-evict, i-text ang BBE NAME OF HOUSEMATE sa 2366. Maaari lamang magpadala ng isang boto ang bawat sim kada araw.

Sa Kumu naman, maaaring bumoto ang Kumunity para iligtas o i-evict ang nominadong housemate sa pamamagitan ng pagpapadala ng virtual gifts. Pumunta lang sa “campaigns” at i-click ang voting page tab tapos piliin ang offline stream ng housemate na gustong iligtas o i-evict para mapadala ang virtual gift. Sampung boto lang kada araw ang pinahihintulutan sa bawat Kumu account.

Samantala, opisyal ng nakapasok sa bahay ni Kuya ang ika-15 housemate na si Ralph Malibunas na lumipad pa mula sa Paris, France. Nasorpresa ang housemates sa pagda­ting ni Ralph na nagsuot ng Santa Claus costume para hindi agad makilala ng kapwa housemates.

Sino kaya kina Aizyl, Justin at Mika ang unang magiging evicted housemate? Kumusta kaya ang magiging koneksyon ni Ralph sa mga housemate na unti-unti nang nakabuo ng malapit na samahan?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa PBB Connect sa primetime, 8:30 p.m. sa A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC at ABS-CBN Entertainment Channel. 

 

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with