^

Pang Movies

Tali, sanay na sa camera

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tali, sanay na sa camera
Tali

Cute siguro ng household nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna now na three years old na si Talitha. 

Kitang-kita mo na siya talaga ang queen sa Sotto house dahil aside from hands on ang pag-aalaga sa kanya ng mommy Pauleen niya, heto at talagang lumalaki siyang daddy’s girl. 

Very bibo at bata pa, parang ang bilis nang maka-pick up ni Talitha sa mga joke ng daddy Vic niya, kaya sinasabi nila na future comedian din ang bata. Hasang-hasa na sa harap ng camera dahil ­laging biglang sumusulpot sa Eat Bulaga na kinatutuwaan naman ng lahat. Gulat nga ako na marami siyang fans. 

Hay naku, iba talaga ‘pag meron kang bata sa bahay, iba ang aura, iba ang ligaya.  

Pagkakasundo nila Matteo at parents ni Sarah, inaabangan 

Maganda naman ang balita na gumagawa ng paraan si Matteo Guidicelli para magkaroon sila ng communication ng parents ni Sarah Geronimo. ‘Yung effort niya na magkaayos sila ng panig ni Sarah ay magandang sign na talagang naroon ang respeto niya sa mga magulang ng asawa. 

Usually naman, ganyan lang sa una, medyo nabigla sina Mommy Divine at Tatay Delfin sa biglaang pagpapakasal nina Matteo at Sarah, pero by now, baka tanggap na nila ang lahat at wala nang magagawa pa. Makita mong masaya ang anak mo at mahal ng naging asawa niya, madali mo nang matatanggap ang mga nangyari. Saka hindi naman magiging lubos ang happiness ni Sarah kung hindi magkasundo ang mga magulang niya at si Matteo. ‘Pag ayos na ang lahat, sure ako na magiging kumpleto na ang happiness ni Sarah, at kahit si Matteo, magi­ging komportable na rin ang kalooban. Sana nga ngayong Pasko o sa New Year, magkakasama na silang lahat. 

vuukle comment

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with