^

Pang Movies

Nanette, marunong lumingon sa mga nakasama sa showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nanette, marunong lumingon sa mga nakasama sa showbiz
Nanette

Every time na matatanggap ko ang Century Tuna na padala ni Nanette Medved tuwing birthday at Christmas, nagiging senti ako. Kasi nga dahil married sa isang taipan si Nanette, kay Chris Po ng Century Pacific Group, inisip ko na iba na ang circle of friends niya, especially nang hirangin siyang isa sa Heroes of Philanthropy ng Forbes.

Akala ko limot na niya ang mga nakasama niya sa showbiz na tulad ko, but still she remembers. Touching para sa akin ang gesture niya, knowing na nasa top ranking sa society ang bago niyang friends. Touching that she still includes me on her list, at every now and then, meron siyang text na kinukumusta ako. Thank you, Nanette, so grateful and thankful for your love. 

Nadine at Viva, mas advisable ang settlement

Usually ‘yung talents na hindi contented at maraming complaints, hindi talaga nasa-satisfy sa kahit ano pa ang ibigay mo at marating nila. Puwede siguro na valid ang iba nilang reklamo, but mas mabuti na sila rin ang mag-reassess sa kanilang working attitude.

Give and take ang tagumpay. Totoo na kung wala kang talent , wala kang mararating. Totoo rin ‘yung bakit ang iba hindi naman napasikat, o wala namang nara­ting. Pero hindi naman ako maniniwala na ikaw lang ang puwedeng magpasikat sa sarili mo. Sa umpisa, kailangan mo ng lahat ng tulong, at suwerte ‘pag nag-click ka agad. Hindi puwede na ikaw lang mag-isa, walang tutulong at sisikat ka.

So sad na pagkatapos ng hirap ng Viva, nagkaroon sila ng problema kay Nadine Lustre. Sad ‘pag ang isang talent at ang kanyang management ay hahantong pa sa korte dahil sa hindi pagkakaintindihan.

Maganda ang record ng Viva sa pag-aalaga ng talents, maayos silang kausap, at isang malaking bagay ang nagawa nila for Nadine and James Reid. Kumbaga ‘yung pag-start ng career nila ay sa Viva nanggaling, kaya sana maayos ang lahat sa magandang pag-uusap.

Matagal ang court battle, masalimuot, kaya mas mabuti pa ang magandang settlement, mas madali. Best for Nadine and Viva. Best for all. 

vuukle comment

NANETTE MEDVED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with