^

Pang Movies

Charo, Joshua at ZaijIan gagawa ng K-movie remake

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Charo, Joshua at ZaijIan gagawa ng K-movie remake

Kung nauuso ang local TV remake ng mga K-drama series, nasa drawing board na rin ang local version  ng pelikulang Keys to the Heart, isang Korean hit Korean film na tinampukan nina Lee Byung-hun at Youn Yuh-jung na pinamahahalaan ni Choi Seong-hyeon. Ito’y pinalabas sa South Korea noong January 2018 at kumita sa takilya ng halos $26M US dollars.

Ang local movie remake ay nakatakdang i-produce ng Star Cinema at tatampukan nina Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla at Charo Santos-Concio at pamamahalaan ng box office director na si Dan Villegas.

Si Direk Dan ang nagdirek ng mga hit movies tulad ng Exes Baggage, English Only Please, Walang Forever, Always Be My Maybe, Hintayan sa Langit at marami pang iba.

Si Joshua ang siyang gaganap na down and out boxer who gets reunited sa kanyang estranged mother (Charo) at autistic younger brother na gagampanan naman ni Zaijian.

Ang pagbabalik sa produksyon ng Star Cinema ay isang magandang senyales sa unti-unting pagbabalik sa movie production ng kumpanya sa gitna ng pandemya at sa pagbasura ng mga kongresista sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sina Joshua, Zaijian at Charo ay may magkakahiwalay na proyekto na hindi pa rin naipapalabas hanggang ngayon.

Si Joshua ay nasa pelikulang Ang mga Kaibigan ni Mama Susan na isa sa entries ng 2020 Metro Manila Film Festival.

Si Zaijian naman ay tampok sa digital film na Boyette, Not A Girl Yet habang si Charo naman ay nasa pelikulang Whether the Weather is Fine na dinirek ni Carlo Manatad at nakatakdang ilahok sa iba’t ibang international film festivals sa ibang bansa. Tampok din sa nasabing pelikula ang current heartthrob na si Daniel Padilla.

Snooky at Ricardo, maligaya sa kani-kanilang buhay

Parehong masaya ngayon sa kanilang respective new loves ang dating mag-asawang Snooky Serna at Ricardo Cepeda – si Snooky sa negosyante at dating vice-governor ng Bulacan na si Ramon Villarama habang si Ricardo naman sa model-turned actress na si Marina Benipayo.

Nineteen years old pa lamang noon si Snooky nang magkrus ang kanilang landas ni Ramon pero hindi silang dalawa ang nagkatuluyan. Nang mahiwalay ang dalawa sa kanilang respective partners ay muling niligawan ni Ramon si Snooky at si Ricardo naman ay muli silang pinagtagpo ng landas ni Marina na nakilala niya when she was 18 or 19 at pareho silang naging modelo bago nila pinasok ang showbiz.

Masasabi ngang kapalaran ang may kagagawan ng lahat.

Although matagal nang annulled ang kasal ni Ricardo at Snooky, hindi magawang pakasalan ni Ricardo si Marina dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawalang-bisa ang kasal ni Marina sa kanyang unang asawa kahit matagal na silang inabandona nito.

vuukle comment

ZAIJIAN JARANILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with