^

Pang Movies

Gabby, wish na makakasama pa rin si Marian

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Naintindihan ni Gabby Concepcion ang reason ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang personal siyang tawagan nito, dahil hindi niya magagawa ang first TV project sana nila na First Yaya sa GMA. 

Alam ni Gabby na mahirap ang sitwasyon ngayon lalo na at ang involved ay ang pagiging ina ni Marian sa mga anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy.

Pero sabi raw ni Gabby, sa susunod na may offer muli sa kanila ni Marian na proyekto, sana raw ay matuloy na ito. Wala pang pasabi ang GMA kung itutuloy pa nila ang First Yaya kahit nag-backout na si Marian.

Rocco, napaiyak

Naging senti rin si Rocco Nacino sa pagtatapos nila ng taping ng Pinoy adaptation ng K-drama na Descendants of the Sun. Sa Instagram post niya, ipinakita niya na nakasuot pa siya ng military uniform habang naka-Korean heart sign. “Finally home.  Yesterday was the last day na suot ko ang uniporme ni Diego Ramos (ang character niya sa serye).  Mangiyak-ngiyak ako habang hinuhubad ko ang outfit na ito, realizing that yes, tapos na kami sa show na ito.  Thank you Wolf (ang tawag sa kanyang character), talagang minahal ko ang pagganap sa character mo, dahil sa‘yo kaya ako naging isang Navy Reser­vist.  The tears weren’t for the last taping day, it was all for the blessings that came because of the show. Now we sit back and wait, sabik na rin akong makita ang produkto ng pinaghirapan namin ng isang taon.  Thank you to everyone involved in this show. This is Technical Sergeant  Diego Ramos, aka Wolf, mission accomplished!”

Malapit na ring simulan ang recap ng Descendants of the Sun na susundan ng fresh episodes, soon on GMA Telebabad.

Alden at Jasmine hindi first time ang tambalan

Excited na ang fans ni Pambansang Bae Alden Richards nang malamang natuloy na ang taping nila ni Jasmine Curtis-Smith ng first episode ng bagong GMA drama anthology na I Can See You titled Love on the Balcony. 

Bale second time ito ng pagtatambal nina Alden at Jasmine, ang una ay ang movie nilang Imagine You & Me, na kasama nila si Maine Mendoza.

Na-delay ang taping nila dahil tinapos muna ni Jasmine ang taping ng Descendants of the Sun Ph.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with