^

Pang Movies

Mas priority na maging healthy fans walang gana sa ‘awards’ ngayon

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tanging ang Gawad Urian ang naglabas ng acting at technical nominees sa best films at performances sa movies na ipinalabas last 2019.

Nakansela na ang pagbibigay ng awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED). Wala ring balita kung magbibigay ng awards this year ang Philippine Movie Press Club ng Star Awards for Movies, TV at Music.

Tahimik din ang pamunuaan ng FAMAS Awards at ang Film Academy of the Philippines para sa kanilang Luna Awards.

May  ibang award-giving bodies nagbibigay ng awards pero sa social media na lang inilalabas ang winners.

 Eh ano kaya ang mangyayari sa Gawad Urian ngayong wala nang Channel 2?

Kung hindi kami nagkakamali eh sa Cinema One channel ng network ito ipilalabas noon.

Of course, apektado rin ng pandemic ang movie at TV industry awards. Puwedeng mangyari sa online na madalas nangyayari ngayon.

Pero iba pa rin ‘yung napapanood sa TV ang winners, huh!

‘Yun nga lang, keber ba ng kinauukulan sa mga award, ‘no?

Mas priority ngayon ng lahat na maging healthy.

vuukle comment

FAMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with