^

Pang Movies

Alden handa na sa new normal taping

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Mukhang handa na si Pambansang Bae Alden Richards na magbalik-taping ng kanyang mga programa sa GMA Network.  Nai-post ni Alden ang certificate ng kanyang SARS-CoV2 igd/IGM antibody Rapid Test.  Ayon sa certification, issued last July 25, 2020, the patient, Richard R. Faulkerson Jr., tested negative to both IgM and IgG antibodies.  The certification is issued upon the request of the patient for travel / work purposes only.”

Ibig sabihin bukod sa daily show nilang Eat Bulaga, balik na siya sa taping ng mga project niya sa GMA Network.

Malalaman natin kung anong programa ni Alden ang una niyang iti-tape.

May ilang programa na kasi ang GMA na mga fresh episodes na ang mga ipinalalabas. 

Balitang may mga naka-schedule na rin silang teleserye na magbabalik-taping na sa August, tulad ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, Magkaagaw, Love of My Life at Bilangin ang Bituin sa Langit.

Matagal na pinag-usapan ng management kung paano susundin ang protocols sa pagti-taping na dapat nilang i-observe, dahil hindi na pwede ang dami ng tao sa taping tulad ng dati, dahil sa social and physical distancing.

Ilan sa nagkaroon  na ng fresh episodes na ipinalabas sa GMA-7 ay ang Wish Ko Lang, Magpakailanman at ngayong Linggo, 5:25 p.m., bago na ang mapapanood na episode ng Amazing Earth ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with