^

Pang Movies

Pagbubukas ng mga sinehan nakadepende sa gamot sa COVID

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Gumawa na ng announcement ang Metro Manila Film Festival ng unang apat na pelikulang kasali sa kanilang December festival. Iyon ang mga pelikulang napili nila, base diumano sa scripts, sa istorya, sa casting at sa material sa kabuuan noon.

Ibig sabihin iyan ang mga pelikulang may commercial viability o kikita sa kanilang palagay. Iyong apat na natitirang slots, paglalabanan iyon ng mga magsusumite ng buong pelikula, at mula roon ay pipiliin nila ang pinakamaganda.

Nakakatuwa, sabi nga nila, dahil may film festival pala tayong inaasahan sa Disyembre. Iyong film festival na sana ay gagawin nila noong summer, hindi na nga natuloy dahil sa COVID-19.

Sarado agad ang lahat ng mga sinehan, at sinasabi ngang ang mga sinehan ang isa sa mga huling-huling papayagang magbukas, at iyon ay kung may nakuha na ngang gamot na panlaban sa COVID-19.

Kaya ang tanong nga namin, ano ang kasiguruhan na bukas na ang mga sinehan sa Disyembre? Ano ang katiyakan na normal na ang buhay by that time.

Duda kami sa gagawin nilang festival na iyan.

Unang una, tuwing may festival, siksikan talaga sa mga sinehan ng mga pelikulang kumikita. Papaano na ang social distancing? Maipatutupad kaya nila ang sinasabing 50 percent capacity lamang ng mga sinehan ang manonood sa bawat screening?

Ikalawa, papaano ang disinfection pagkatapos ng bawat screening, na sa laki ng sinehan, maaaring abutin ng dalawang oras o higit pa. Kung ganoon, ilang screenings lamang ang magagawa nila sa isang araw?

Magbubukas kaya ang mga sinehan kahit na payagan sila kung hindi naman sila kikita? Papayag ba ang producers na ilabas ang kanilang pelikula kung ang chances na mabawi ang kanilang puhunan ay walang katiyakan?

Ang mga producer lang naman ng mga pelikulang indie ang payag kahit na lugi. Sanay silang nalulugi lahat ng pelikula nila eh.

Pasabog supot, Clint pinag-iinitan talaga si Sam

Ano nga ba ang pasasabugin ni Clint Bondad tungkol sa kanyang dating girlfriend na si Catriona Gray. At bakit niya sinasabing kawawa si Sam Milby na boyfriend ngayon ng kanyang ex. Totoo rin ba na si Clint ang gumawa ng sinasabing internet post na nakasisira kay Sam noong isang araw?

Hindi rin namin alam kung papaano at bakit nga ba nagsimula ang mga post na iyan. Ang alam namin nasa abroad ngayon si Clint.

Pero bakit nga ba kailangang humantong sa ganyan ang lahat?

Feeling incomplete nang mawala ang ABS-CBN…

Noong una, pakiramdam naman namin wala kaming mami-miss kung mawala man ang ABS-CBN. Hindi naman kasi kami mahilig sa teleserye. Usually ang pinanonood namin sa telebisyon ay ang History, Discovery National Geographic at Animal Planet. Pero hindi namin maikakaila na may panahong hindi kumpleto ang aming umaga kung hindi namin napanood si Cedie at si Princess Sarah na nasa ABS-CBN.

Ngayon, hanggang noong mag-lockdown nga, magdamag kaming nakikinig kay Dj Richard sa dzMM. Kahit pala ano ang sabihin mo, may mawawala pa rin sa iyo sa pagsasara ng ABS-CBN.

Nakakalungkot noong isang araw, habang pinapakinggan namin ang mga tauhan ng ABS-CBN na nakatanggap na ng notice na wala na silang trabaho.

Hindi rin naman namin maikakaila na marami kaming kaibigan sa ABS-CBN na naging kaagapay din namin sa aming propesyon. Kung iisipin, maski kami rin pala ay nawalan nang mawala ang ABS-CBN. Pero ganyan lang talaga ang buhay.

Sa ngayon, iyan ay isang kasong wala na tayong magagawa pa.

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with