^

Pang Movies

Gladys wish na magka-baby pa si Juday

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung naging abala ngayon si Gladys Reyes sa kanyang online acting workshop, sa gardening naman naging busy ang bestfriend niyang si Judy Ann Santos.

Kamakailan lang ay ipinost ni Juday sa kanyang Instagram account na nagha-harvest na siya ng itinanim niyang pechay na napakataba at napakalapad ng dahon.

Si Gladys naman ay natutuwang ipina­kilala na sa kanyang IG account ang ilang nagpa-enroll sa kanyang acting workshop.

“I am looking for those people na katulad ko na ito talaga ang passion nila ‘di ba? In my own little way baka may maitulong ako sa kanila para sa kaalaman nila, why not? Lalo na ngayon na marami tayong oras eh.  So, instead na magbabad lang sa gadget,” saad ni Gladys nang nakatsikahan namin sa DZRH.

Samantala, nagkaka-usap daw sila minsan ni Judy Ann at ang isa sa napag-usapan nila ay ang kanilang mga anak.

Ang wish ni Gladys ay madagdagan pa raw sana ng isa pang baby si  Juday para tie sila na may tig-apat na anak.

Saka nakikita raw nila sa bunso nina Judy Ann at Ryan Agoncillo na si Luna na gustong magkaroon ng baby sister. “Siguro kung mangyari man ‘yun, I would be so happy for Juday kasi napaka-ideal din nilang mag-asawa, sila ni Ry,” sabi pa ni Gladys.

Cong. Alfred susubukan ang backyard hiring 

Ang ganda ng naisip ni Cong. Alfred Vargas na malaki ang maitutulong sa mga constituent niya sa district 5 ng Quezon City.

Kuwento sa amin ni Cong. Alfred nang nakapanayam namin sa DZRH nu’ng nakaraang Biyernes, nagpa-survey daw sila ng isang barangay captain sa mga tagaroon at karamihan daw na hinaing nila ay hindi nakapagtrabaho dahil walang masakyan papasok sa pinagtatrabahuhan nila.

Kaya may naisip siyang maaring puwede rin sa ibang bayan, itong tinawag niyang ‘Backyard Hi­ring,’ na kung sa QC nakatira ang isang trabahador sa branch nila doon ito papasok.

Susubukan daw muna niya ito sa kanyang distrito para hindi lang mawalan ng trabaho ang mga constituents niya.

Baka nga naman magawa nila ito sa kanyang distrito, puwede na niyang i-submit ito na gawing resolution sa Kongreso.

“Gusto ko muna makita kung paano ito magwu-work. Pero sa tingin ko mukha namang kaya.

“Kasi dito sa Novaliches, marami ang factory workers, maraming factories, maraming establishments.Ang feeling ko masu-solve ang problema pagdating sa social distancing kasi magba-bike na lang o maglalakad.

“Makakabawas pa sila sa stress ng public transport system natin, mas mababa ang demand,” sabi pa ni Cong. Alfred.

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with