^

Pang Movies

Heart pangontra na sa virus ang mga bagong outfit

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Heart pangontra na sa virus ang mga bagong outfit
Heart

Handang-handa na si Heart Evangelista sa kanyang new normal outfit.

Nagagamit na niya ang leather gloves at signature hats niya sa kanyang mga latest post.

At ang face masks niyang iba’t iba ang color at shape na nirarampa-rampa niya ngayon sa social media.

Stand by nga ang OOTD ng mga celebrity dahil sa stay at home policy.

Wala magka-arte arte na mag-outfit dahil nasa loob lang naman sila ng bahay.

At ang running joke nga ngayon, may quarantine outfit na sila, na ang tinutukoy ay ang mga pang-alis nilang damit na ginawa na lang nilang pambahay.

Pokwang hindi tinantanan ng panlalait sa mass testing

Hindi tinantanan ng bashers si Pokwang matapos siyang mag-comment tungkol sa mass testing.

“basher: ang pangit mo Pokwang! Boba KA! mukha kang unggoy! epal ka! Me: huh? wag ka kasi manalamin para wala ka makitang unggoy at pangit! di bale na pangit di naman ako napatalsik sa work dahil sa drugs hahahhaa alam mona kung sino ka ha wag mona hintayin pa pangalanan kita!,” isa sa mga tweet niya kahapon.

Pero hindi pa rin nakatiis si Pokwang dahil hindi raw talaga siya nilubayan.

“di parin tapos? boba! pangit! ano pa? Kailan koba sinabi na ang GANDA KO? atleast ako naging artista kahit chaka! Kasi ang tawag doon TALENT!!!! At iyon ay GIFT!!! maganda at gwapo pala kayo sayang dapat pala nai guest muna kayo sa SOCO bago na ipasara ang abs cbn! PERFECT???”

Pikon-talo talaga sa social media.

Kung sabagay, siyempre doble-doble ang iniisip ng katulad ni Pokwang na isang Kapamilya.

Bukod sa sinasabing nasa second wave na sa bansa ang coronavirus, talagang nakakagulo nga naman ng isip kung kailan uli sila makakabalik sa trabaho sa ABS-CBN na wala pa ring linaw ang franchise.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with