^

Pang Movies

Sarah wala nang kontak sa nanay?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Aywan kung paniniwalaan nga namin ang mga pamahiin, pero noong isang araw ang narinig naming pinagkukuwentuhan nila ay si Sarah Geronimo. Binalikan nila ang pangyayari noong araw na magpakasal iyon nang lihim sa kanyang asawang si Matteo Guidicelli, na inilihim niya maging sa kanya mismong ina.

Nagkaroon ng gulo at nagkaroon ng controversy. Iyong mga moderno ang kaisipan, ang sinasabi ay ok lang naman dahil nasa edad na si Sarah. Sinasabi rin nila na siguro naman malaki na ang naitulong niya sa kanyang pamilya at tama namang isipin ang kaligayahan niya.

Doon sa conservatives, iba ang iniisip. Ang sinasabi nila, iba ang epekto basta lumuha ang isang ina.

Hanggang ngayon ay walang balitang nagkaa­yos na si Sarah at ang kanyang ina. Mukhang ang naisip nila ay huwag na munang kumibo, palipasin ang panahon at ang init ng ulo, na ang paniwala lilipas din lahat iyan at magkakasundo sila.

Pero iyon ngang mga mapamahiin, iba na ang iniisip. Simula kasi noon, hindi na nakabangon ang career ni Sarah. Isipin ninyo, nangyari iyon sa kainitan ng isang luma niyang kanta na biglang sumikat, aakalain ba ninyong parang nabura ang lahat nang iyon dahil tinamaan nga rin ng Covid-19 quarantine? Hindi siya nakikita sa TV. Wala siyang concerts dahil kanselado na. Wala siyang bagong recording. Practically wala siyang career dahil nasagasaan nga ng quarantine. Pero para sa iba, ang sinasabi nila ay baka epekto na iyan ng hindi nila pagkakasundo ng kanyang ina.

Hindi rin natuloy ang pinag-uusapan noong engrandeng kasal nila na gagawin pa raw sa Italya. Mas matindi ang Covid doon ngayon.

Sa amin nagiging palaisipan tuloy iyan.

Daniel naghahanap ng lilipatan nila ni Kathryn

Gaano katotoo ang tsismis na naghahanap na raw si Daniel Padilla ng isang bahay para sa kanyang sarili at para sa kanyang magiging pamilya” kung sakali?

Talaga bang seryoso na sila? Nauna kasi riyan may nagsabi nang may balak nang lumagay sa tahimik sina Daniel at Kathryn Bernardo sa taong ito.

Siguro ang desisyon nila ay naapektuhan din naman ng quarantine, at sino nga ba ang hindi? Pero kung ganyang naghahanap na ng bahay si Daniel, maaaring tuloy pa rin iyon.

Walang problema kung sakali. Kaya na naman nila talaga eh.

Pakikiramay...

Nais lang naming ipaabot ang aming pakikiramay sa pamilya ni Professor Bong Osorio ng UST at dating corporate PR head ng ABS-CBN. Nawa’y makatagpo ng pamamahingang walang hanggan ang kanyang kaluluwa.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with