Angel signing off na sa pagpapagawa ng tent
Nakapag-turn over na ng quarantine facility si Julia Barretto sa Fe del Mundo Medical Center kahapon. Kasama niya ang mga kapatid na si Dani and Claudia Barretto na nag-ipon ng pondo para rito.
Pero mas naunang mag-turn over ng quarantine facility si Gerald Anderson two days ago.
Pero ang #UniTENTweStandPH ni Angel Locsin ay officially signing off na.
Nakalikom si Angel ng almost P12 million para rito.
“TEAM #UniTENTweStandPH now signing off. May the Lord continue to use all of us to be instruments of God’s love and grace. And to all our frontliners, Isang malaking pagsaludo po sa inyo mula sa amin!,” ang post ni Angel kahapon.
Kim may pa-Hulahoop Challenge
May pa-hulahoop challenge si Kim Chiu kahapon na nahanap daw niya habang naglilinis ng itaas ng bahay nila. “Woke up to Enriched Enhance community quarantine!!! .
“Sana hindi na umabot sa Fortified Enriched Enhance community quarantine baka maging bata na tayo paglabas ng bahay, naging Gatas na kasi.
“eme lang! Just trying to make things light no matter how hard the situation is right now.
“Found this hulahoop while cleaning upstairs,. Might as well use this for another round of #1000circleschallenge #hulahoopchallenge lets go!!!”
Wow, parang effective na pampapayat ang hulahoop.
More than a month na ang ECQ kaya naman ang dating mga artistang laging pagod sa trabaho ay nakapahinga at nagagawa lahat ng mga gusto nilang gawin noon kasama na ang paglilinis ng bahay.
- Latest