^

Pang Movies

Joshua mas bumongga ang career nang makawala kay Julia!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Joshua mas bumongga ang career nang makawala kay Julia!
Joshua

Mahirap na hindi pansinin ang sinasabi ng ilang industry observers na mas gumanda pa ang kata­yuan ng male star na si Joshua Garcia matapos na mahiwalay sa kanyang ka-loveteam dati na si Julia Barretto. Mas dumami yata ang kanyang solo endorsements, at mas maraming mga director at producer ang nagkaroon ng interest na siya ay bigyan ng break. Ang epekto niyan siyempre, maiiwan ang dati niyang ka-loveteam na si Julia, na sinasabi ng iba na naging pabigat sa kanya.

Maganda rin naman ang timing. Kasi naging magsyota naman sila talaga eh, at inaamin nila iyon. Pero nag-split sila, at doon din nagsimula ang split ng kanilang loveteam. Nakuha pa ni Joshua ang simpatya ng fans, dahil siya ang lumalabas na inisplitan ni Julia.

Wala siyang sinasabing anumang dahilan kung hindi may ibang mga tsismis na lumabas na ganoon nga ang nangyari.

Noon naman nagsimula ang sunud-sunod na controversy sa buhay ni Julia Barretto. Una dahil kay Bea Alonzo, na mas malaking star kaysa sa kanya kaya tumagilid siya. Tapos naman noon nagkagulo sila sa kanilang pamilya, at walang kaduda-duda na tumagilid ulit siya dahil ang nakalaban nila ay dalawang tiyahin niya na mas sikat kaysa sa kanila ng nanay niya.

Ang punto, kung nangyari ang lahat ng iyan noong buo pa ang loveteam nila ni Joshua, at sa totoong buhay ay magsyota pa rin sila, baka negative na rin ang image ni Joshua ngayon.

Mabilis na nag-click si Joshua na ang partner ay si Janella Salvador. Inaasahang matatanggap na rin siya ng publiko kahit na sino pa ang itambal sa kanya, dahil mas naging solid ang kanyang mga fans at wala na silang pakialam sino man ang partner niya. Baka nga sa ngayon mas gusto pa nila ang iba kaysa sa pagtambalin silang muli ni Julia.

Naniniwala kami sa mga ganyang bagay.

Dennis malabo nang makalabas ng selda 

Labimpitong taong naghintay ang dating male star na si Dennis da Silva sa Pasig City Jail, bago siya nahatulang mabilanggo ng habang buhay ng korte kaugnay ng sinasabing kasong rape at panghahalay sa menor de edad na anak ng dati niyang live in partner.

Nabuntis ni Dennis ang babae, na nang magkaroon ng kaso ay inilagay sa pangangalaga ng DSWD. Hindi na nabalitaan kung isinilang nga niya ang na­ging anak nila ni Dennis.

Si Dennis ay pinagbabayad din ng korte ng malaking halaga bilang danyos sa kanyang nagawa sa anak ng kanyang kinakasama. Aabot din iyon ng ilang milyon, na kailangan niyang bayaran para siya magkaroon ng pagkakataong makalaya sa ilalim ng good conduct time allowance. Kung hindi niya mababayaran iyon, malabo na nga siyang makalabas pa dahil sa ilang hatol ng reclusion perpetua na ibinaba ng korte laban sa kanya.

Sayang iyang si Dennis da Silva. Mabilis na sumikat iyan noon, at napansin ng mga fans dahil may hawig daw kay Ricky Martin nang noo’y sikat na sikat na Menudo. Nakagawa rin naman siya ng ilang pelikula sa Viva, bago sumama sa That’s Entertainment, at nang malaunan ay lumipat naman sa Regal.

May mga hindi lang magandang pangyayari sa kanyang buhay kaya tumamlay hanggang sa tuluyan nang mawala ang kanyang showbiz career. Nagkaroon ng bisyo, at nang malaunan nga ay nasangkot na sa hindi magagandang usapan, kabilang na nga ang kasong rape na iniharap laban sa kanya ng anak ng dati niyang kinakasama.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with