^

Pang Movies

Tonton ayaw mangarag sa trabaho

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tonton ayaw mangarag sa trabaho
Tonton

Kaloka ang episode natin, Salve ng Take It…Per Minute! (Me Ganun) noong Martes dahil si Tonton Gutierrez ang guest at puro flashback time ang napag-usapan namin tungkol sa kanya.

Isa si Tonton Gutierrez sa pinakamabait ko na alaga dahil wala akong naging problema sa kanya.

Alam ni Tonton ang kanyang priorities sa buhay at nang mag-mature siya, alam niya what he really wanted, at doon siya naka-focus.

Nakita ko ang wild days of Tonton’s youth kaya hindi ko inakala na magiging mabuti siya na asawa at ama. Very responsible, good provider at maalaga si Tonton sa kanyang dalawang anak na babae.

Isa lang ang madalas na pakiusap sa akin ni Tonton, ayaw niya na mangarag sa trabaho.

Gusto ni Tonton na relax lamang siya at palagi silang magkakasama ng mga anak niya. Kuntento na siya sa sapat na kita para sa kanilang mga pangangailangan at dito magaling ang kanyang misis na si Glydel Mercado.

Mahusay si Glydel sa paghawak at pamamahala sa finances nila ni Tonton.

Si Tonton ang klase ng artista na may feeling of contentment sa mga dumarating sa buhay niya. Ini-enjoy ni Tonton na mabuti ang mga blessing na natatanggap at ayaw niya na magkaroon ng pressure sa work.

So proud ako  na isa si Tonton sa pinakamatagal ko nang alaga at parang tunay na anak na rin ang turing ko sa kanya. Love you Ton, so proud of you.

Mga hayop na naiwan sa Taal, nakakadugo ng puso

You really feel the hopeless plea for help ng mga tao na naapektuhan ng ashfall mula sa pagsabog ng Taal Volcano.

May mga alaga sila na hayop na ayaw nilang iwan pero wala silang magawa dahil kailangan munang iligtas nila ang mga sarili.

Mabigat sa kalooban nila na iwan ang kanilang mga alaga na kalabaw, baka, kabayo, manok, aso at pusa.

Your heart will bleed sa mga ibon na nakakaawa na nabalot ng abo ang buong katawan kaya hindi na sila makalipad.

Mababakas sa mga hitsura nila na parang nagtatanong sila kung bakit nangyari ‘yon sa kanila? Parang nagkaroon ng bara sa lalamunan ko dahil sa awa na nararamdaman ko para sa kanila.

Tumulong po tayo sa mga kababayan natin na biktima ng Taal Volcano eruption. Tumulong po tayo with anything and with what we can give. One peso is worth a million, in times of need. Please pray for them. Please open your hearts. Our brothers and sisters in Batangas need us.

Hindi apektado ng Taal Volcano eruption ang Calatagan, Batangas pero hindi makauwi si AiAi Delas Alas sa bayan nila dahil sa ashfall. Pinayuhan siya na ipagpaliban muna ang kanyang pagdalaw dahil sa mga putikan na kalsada na dinaraanan ng mga sasakyan.

vuukle comment

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with