^

Pang Movies

Sarah at Raymond na-stranded sa Hong Kong

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sarah at Raymond na-stranded sa Hong Kong

Alam mo, Ateng Salve, dahil sa pag-aalburuto ng Taal Volcano, ang daming affected sa ating bansa.

Actually, outbound and inbound flight sa Ninoy Aquino International Airport, cancelled noon pang Sunday hanggang kahapon (hopefully may mga nakaalis at nakarating na rin kahapon, pero as I write this, wala pa raw).

Noong Sunday sana ang balik nina Raymond Gutierrez, Sarah Lahbati at ng buong grupo nila na nagpunta sa Hong Kong para sa bridal shower doon ng fiancé ni Richard Gutierrez, pero hanggang sa airport lang sila ng Hong Kong.

Kuwento sa akin ni Sarah kahapon ng umaga, “We’re here uli sa airport, sana makalipad na kami. Last night, nandito na kami nang i-announce na cancelled nga ang lahat ng flights.

“’Yung flight na sinakyan ni Boom Sason (fashion designer), half way na sila (to the Philippines), bumalik ng Hong Kong, kami, hanggang sa airport lang kagabi.”

Nasa airport din kahapon sina Sarah nang i-announce na hindi na makakaalis uli ang flight sana nila pabalik ng Philippines, kaya bumalik na sila uli sa Upper House, ang hotel na tinutuluyan nila sa Hong Kong.

Nang makausap ko si Raymond ng bandang 5:00PM kahapon, sinabing, “Good thing I’m friends sa mga taga-Upper House, kaya na-acccommodate uli kami, bale two days na ang extension namin.”

Kung may flights daw na makakaalis kagabi ng Hong Kong papunta ng Philippines ay sigurado na raw sila na makakauwi ngayong araw na ito.

“So, they will advice us.  Sana makauwi na kami,” sabi ni Raymond.

Hiling nga ng group ni Sarah na maging safe ang lahat.

Panay rin ang check niya sa mag-aama niyang sina Richard, Zion at Kai.

Actually, nang makasama ko ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama over lunch with Mother Lily Monteverde, naikuwento nila na papunta sila ng bahay nina Richard sa Alabang.

Dadalaw raw sila dahil si Richard ang nag-aalaga kina Zion at Kai.

Louie Heredia nakaranas ng maraming lindol sa Tagaytay

Ang singer na si Louie Heredia, stranded din sa Tagaytay City noong Sunday.

Bale nag-check-out na sila sa Taal Vista Hotel, pero kinailangan nilang bumalik uli dahil sobrang traffic at halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan dahil napakarami na ring nagsilikasan noong Sunday.

Umuulan din ng putik at mga bato, kaya nag-stay na lang uli siya ng another night sa nasabing hotel.

Kahapon naman, nakauwi rin siya at hindi na nga ma-traffic.

Less than two hours lang daw sila hanggang Katipunan Avenue, Quezon City.

“Zero traffic. Back home safely,”  sabi ni Louie.

Pero noong Sunday raw ay panay ang lindol habang nasa hotel sila.

Siyempre, worried sila habang nasa Tagaytay that time.

Nang pauwi na nga pala kahapon, kinunan ni Louie ang daan mula sa Tagaytay City na sobrang putik.

Sa lahat ng affected ng pag-aalburuto ng Taal Volcano, ipinagdarasal po namin ang inyong kaligtasan!

vuukle comment

LOUIE HEREDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with