^

Pang Movies

Liza gustong mag-asawa before 30, Enrique trip to US ang Christmas gift sa gf

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Liza gustong mag-asawa before 30, Enrique trip to US ang Christmas gift sa gf
Enrique, Liza

A business together at maka-travel sa ibang bansa na hindi pa nila napupuntahan ang gustong gawin nina Enrique Gil and Liza Soberano.

So paghahanda na ba ‘yan sa chikang nagpa-plano na sila ng kasal?

Sinabi kasi ni Liza na before 30 years old ay gusto na niyang mag-settle down na nire-respeto naman ni Enrique.

Pero wala naman daw silang planong itago ‘yun in case na may mangyaring ganun pero sa ngayon ay wala talaga.

Ang trip to US with her family ang Christmas gift ng actor kay Liza na girlfriend niya since 17 years old ito.

Yup, common knowledge na sa US sila nag-Christmas kasama ang pamilya ni Liza sa bagong bahay na nabili nito sa Amerika.

Samantalang polo naman ang binigay ni Liza sa boyfriend.

Anyway, sa Monday na mag-uumpisa ang airing ng Make It With You na kapalit ng Starla.

Matapos nga ang higit sa isang taon na paghihintay ng kanilang mga tagahanga, nakatakda nang magbalik-telebisyon ang tambalan nina Liza  at Enrique  ngayong Enero sa pag-uumpisa ng kanilang seryeng Make It With You na kinuhanan pa sa bansang Croatia na bilang na bilang lang ang mga Pilipino. Ito ang papalit sa Starla ni Judy Ann Santos na mapapanood after Ang Probinsyano.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with