^

Pang Movies

Marian nakilala ang bagong Darna, Jane mina-match kay Alden!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marian nakilala ang bagong Darna, Jane mina-match kay Alden!
Marian at Jane

Nagkita sina Ma­rian Rivera at Jane de Leon sa Belo Event at sa napanood naming video, si Dr. Hayden Kho ang nagpakilala sa former Darna at ang current Darna. Nagkamay ang dalawa na parehong nakangiti at nakita naming nasa IG Story ni Marian ang photo nila ni Jane na may caption na  “Nice to meet you Jane!”

Maganda ang comment ng netizens sa dalawang Darna at pinuna si Marian na parang kaedad lang daw ni Jane, consi­dering na may 14 year-age gap sila. May tumawag sa kanyang “engkantada” dahil hindi tumatanda.

Sa nasabing Belo Event, na-meet din ni Jane si Alden Richards at may photo sila together na pinost ni IC Mendoza at nilagyan ng caption na “bagay sila.”

Mga Batang UH marunong nang mag-ipon

Hindi narinig ng Mga Batang UH na sina Yuan Francisco, Angel Ulip at Leanne Bautista na mula nang pumasok sila sa Unang Hirit, mas su­migla at tumaas ang ratings ng show. Nahahawa raw silang hosts sa sigla ng tatlong bata at nagkaroon sila ng young audience dahil sa tatlo.

Enjoy din ang mga bata na maging part ng Unang Hirit  lalo na ‘pag nasa field sila

dahil nakakapaglaro at nadadagdagan ang experience. Kaya, keber sila kahit 3am., sila magi­sing para nasa GMA-7 studio bago magsimula ang Unang Hirit.

Sa tanong kung saan nila dinadala ang talent fee nila, “sa bangko” ang pare-parehong sagot ng tatlo. Para raw sa future nila, for their studies. ‘Pansin lang namin, tumingin sila sa nanay at tatay nila bago sagutin ang aming tanong.

ApL.de.Ap kinumbinse ang grupo Sa SEA Games

Kabilang si Apl.de.Ap sa Filipino performer sa Opening at Closing Ceremony ng 2019 SEA Games. Ang own composition na Bebot ang kakantahin ni Apl.de. Ap sa Opening Ceremony at ipinarinig niya ‘yun sa dress rehearsal ng Opening Ceremony sa Saturday na, November 30 sa Philippine Arena.

Ang Black Eyed Peas member na si Apl. de. Ap at si Arnel Pineda naman ang performers sa Closing Ceremony na gagawin sa New Clark City.

Nakausap namin si Apl. de. Ap after the dress rehearsal at nagpahayag ng tuwa na kabilang siya sa performers sa Opening at Closing Ceremony.

Kuwento ni Apl. de, Ap, kinumbinse niya si Will.I.Am na mag-perform kasama siya at si Taboo at ang girl member na si Jessica Reynoso na galing sa The Voice.

vuukle comment

JANE DE LEON

MA­RIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with