^

Pang Movies

Ruru blessing ang turing kay Jasmine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Ruru blessing ang turing kay Jasmine
Ruru Madrid, Jasmine Curtis Smith

Blessing para kay Ruru Madrid na makatambal ang isa ring Kapuso actress na si Jasmine Curtis Smith, sa Cara X Jagger, kaya nang sabihan siya ng manager niya at ng GMA Artist Center na gagawa siya ng romantic drama movie na katambal ang actress, nagpasalamat siya dahil isa pala si Jasmine sa pinapangarap niyang makatambal sa movie man o sa teleserye. Hindi rin niya ikinaila na isa si Jasmine sa showbiz crush niya.

 Lumampas ba sa showbiz crush ang turing niya kay Jasmine nang nagsu-shooting na sila?

“Hindi po naman dapat lumampas doon sa pagtatambal namin,” sagot ni Ruru. “Tama na po sa akin na natupad ang wish ko na makatambal ko siya. Malaking bagay na po sa akin na nakatrabaho siya at naging kaibigan. Iti-treasure ko siya sa buong buhay ko, na kahit anong mangyari, kaibigan ko pa rin siya. Saka alam ko po naman sa simula pa lamang ng team-up namin na may boyfriend na siya.”

Based sa trailer na ipinakita noong mediacon, mai-in love ka sa sa story nina Cara at Jagger na dating mag-sweethearts, pero dahil sa isang aksidenteng inabot ni Jagger, nawala ang kanyang memory, samantalang si Cara, pinipilit kalimutan ang nangyari sa kanila. Pero makapangyarihan ang pag-ibig, muli bang makaalaala ang puso ni Jagger at si Cara pa rin ang kanyang mamahalin?

Sa direksyon ni Ice Idanan, co-producer ng APT Entertainment and Cignal Entertainment at mapapanood na in cinemas nationwide  simula sa November 6.

Manilyn alagang-alaga ang amang may sakit

Kahit pala busy si Manilyn Reynes sa dalawang shows niya sa GMA Network na Pepito Manaloto at Madrasta, hindi sila nakakalimot ng fa-mily niya na dalawin sa Cebu ang parents niya, lalo ngayon na may sakit ang daddy niya. 

Na-feature nga sa Chika Minute ng 24 Oras last Monday evening, nang bago siya pumunta sa show niya sa Cebu, kinantahan muna nila ng Mama niya sa show, ang Daddy niya.

Post ni Manilyn sa kanyang instagram: Kantahan ti ka pirmi, Dy...This year I did 2 shows in Cebu. Yung una po, impromptu yung song namin ni Mama. Pero nitong huli, isinama na po talaga namin sa show as one song number. As always, I love singing with my Mama. Napakalamig at napakaganda ng boses niya. Si Daddy po, dahil sa condition niya, hindi na makakapanood. So nag-decide kami na kantahin sa kanya yung song, bago mag-show. At wala pong kasing-saya ang puso ko nang makantahan at makita kong masaya siyang nakikinig sa amin. Tulad nung maliit pa ako. It may seem na galawgaw-galawgaw akong tingnan while singing. Ayaw ko lang ipakita sa kanya ang vulnerability o kahinaan ko, pero deep inside I was crying. Hindi dahil malungkot ako, pero dahil nagawa ko yung ginagawa ko ng nandiyan siya. The situation touched my heart immensely. Daddy, I will forever sing to and for you...”

After kumanta sina Manilyn at Mama niya, nakitang sumenyas ng ‘okey’ ang Daddy niya.

vuukle comment

JASMINE CURTIS SMITH

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with