^

Pang Movies

Maine nadadala sa mata ni Carlo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maine nadadala sa mata ni Carlo
Carlo Aquino, Maine Mendoza

Nakakatuwang tingnan ang mga biruan nina Carlo Aquino and Maine Mendoza sa grand media launch ng Isa Pa With Feelings. Obvious na parang kumportable na sila sa isa’t isa at may nabuong friendship sa kanila during the filming.

Sa trailer ay puring-puri ng entertainment press ang acting na ipinakita ni Maine at talagang nakasabay siya nang bonggang-bongga kay Carlo partikular na nga sa crying scene.

Nagpapasalamat si Maine kay Carlo dahil talagang natulungan daw siya sa mga heavy scenes nila na mata pa lang daw ng aktor ay umaarte na.

“Iba ‘yung mga mata ni Carlo Aquino. As in siya talaga ‘yung legit na nakukuha ‘yung mga co-actors niya sa mata-mata acting. Walang halong biro talaga,” sabi ni Maine.

Puring-puri naman ni Carlo si Maine dahil very transparent daw ito and very professional.

“Madalang kang makakakita ng ganu’n sa industriya. Kung ano ‘yung nararamdaman niya, kung paano siya nun’g araw na ‘yun. Totoo siya. ‘Yun ‘yung isa sa mga tine-treasure ko,” sey ni Carlo.

Sa presscon ay inamin ni Maine na pinangarap niyang maging leading man si Carlo simula nang mapanood niya ito sa pelikulang Meet Me in St. Gallen with Bela Padilla.

Sobrang napahanga raw siya ni Carlo sa nasabing movie to the point na naging crush niya ito nang slight.

“Pero nang paglabas ng sinehan, nawala na rin naman (ang crush) niya),” sey ni Maine sabay-tawa.

“So, sabi ko, iba siya sa sinehan, sa big screen, so, parang sabi ko, kung magkaka-movie ako, sana bigyan ako ng chance na si Carlo ‘yung makapareha ko,” dagdag pa ni Maine.

When asked kung ano na ang level ng friendship nila ngayon, ani Maine ay sobrang kumportable na raw sila sa isa’t isa. Biro pa ng phenomenal star, wala raw kasing dating si Carlo.

“Hindi, ‘yung hindi siya intimidating kasi,” paliwanag ni Maine sa kanyang sinabi.

Sey naman ni Carlo, “ganyan ‘yan siya.”

Sambit pa ng aktor, “kung basag-basagin mo kasi ako, ganu’n ganu’n na lang,” na ikinatawa ng lahat pati na ni Maine.

Sa seryosong usapan ay natanong si Maine kung ano ang pakiramdam niya na nakawala na siya sa phenomenal loveteam nila ni Alden Richards at sagot ng aktres, “okay din po siya, kasi parang naisip ko na it’s a chance to grow and explore, to work with different actors from different network.”

Nagpapasalamat daw siya sa kanyang management na gumawa ng pelikula sa kabilang network, ang Blacksheep Productions na pagma-may-ari rin ng ABS-CBN, at syempre, sa produksyon na kumuha sa kanya.

When asked kung ano ang suportang ibinigay ni Alden sa kanya, nag-congratulate naman daw ang aktor sa kanya.

“Kasi, wala pa naman po, hindi pa naman showing ang pelikula. Pero before, nagkakuwentuhan na rin kami kung tungkol saan ang pelikula, natanong naman po niya ako about it and very open naman kami du’n sa mga ginagawa naming projects na pinag-uusapan namin, and very happy kami sa success ng isa’t isa,” she said.

Showing na ang Isa Pa With Feelings ngayong Oct. 16 mula sa direksyon ni Prime Cruz.

vuukle comment

CARLO AQUINO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with