^

Pang Movies

Jeric buhos ang suwerte!

Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang bilis ng panahon huh. Mukhang nalalapit na ang airing ng Magkaagaw na pinagtatambalan nina Jeric Gonzales at Klea Pineda. Halos araw-araw na silang nagte-taping pero walang reklamo si Jeric kahit inaabot na ng umaga ang pack up nila kahit the following day ay may schedule siya. Kaya sa sasakyan na lang natutulog ang alaga namin.

Kung noon ay laging bakante ang schedule ng aktor ay kabaligtaran naman ngayon at nawawalan na naman siya ng oras sa paggi-gym.

Eh napaka-importante ‘yun bilang bagong endorser ng Bench na ngayong October na ang launching.

Jillian singer na singer na

Ipinamalas ng young Kapuso actress na si Jillian Ward ang kanyang talento sa pagkanta dahil siya ang umawit ng isa sa mga soundtrack ng pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas. Siya ang boses sa likod ng kantang Ikaw Ang Tahanan Ko, na puwede nang mapakinggan sa Spotify. Mapapanood din ang kanyang performance sa music video nito sa YouTube.

Samantala, maraming Kapuso viewers ang humahanga sa mahusay na pagganap ni Jillian sa kanyang role bilang Donna Marie sa serye.

Kean at Chynna kakaiba ang ipinangalan sa anak

Pinangalanang Salem ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza ang pangalawa nilang baby. Masayang-masaya hindi lang ang kanilang pamilya kundi pati rin ang kapwa celebrities dahil nadagdagan na naman ang #TheCips! 

 

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with