^

Pang Movies

Maricel solid pa rin ang katarayan, hindi naniwala sa ‘topak’ ni Angel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Maricel solid pa rin ang katarayan, hindi naniwala sa �topak� ni Angel

Naaliw kay Maricel Soriano ang entertainment press and fans na dumalo sa grand finale presscon ng The General’s Daughter dahil walang kakupas-kupas ang aktres pagdating sa pagtataray at pagkuda. Up to now, she’s really living up to her image na Taray Queen.

Nakakatuwa ‘yung kapag kina-cut na siya sa pagsasalita ay sasabihin niyang “teka muna, nagsasalita pa ako, hindi pa ako tapos.”

Tinatalakan din niya ang fans na nagsisigawan sa loob ng Dolphy Theater at sinasaway niya sa pag-iingay sa tuwing may sinasabi siya.

“Tigilan n’yo nga nga ‘yung “waaah! Weeeh!” Ano ba ‘yun? Wala bang bago?” pagtataray niya sa fans.

Talagang monologue ang kanyang mga sinasabi and this just goes to show na talagang nag-enjoy siya sa nasabing teleserye. In fact, nami-miss nga raw niyang mag-taping since as we all know ay namatay na ang kanyang karakter along with Arjo Atayde’s character.

“’Yung mga unang week (na hindi na siya nagte-taping), med­yo nakapagpahinga ako. Pero pagkatapos mong nakapagpahinga ka na, hindi ba? Iba na. Parang may kulang. ‘Yon.

“Ang tagal ko pa ngang naisip. Siguro dahil sa sobrang pagod ko. Ang tagal kong magrehistro, hindi ko maisip. May nami-miss ako pero hindi ko alam kung ano, eh,” kuwento ng Diamond Star.

Naging close raw niya si Eula Valdez at Janice de Belen. Puring-puri niya si Arjo na gumanap na anak niya at ninakaw daw talaga ang puso niya.

Ikinuwento rin niya na noong una raw ay maraming nagsasabi sa kanya na mahirap daw kasama si Angel Locsin dahil may topak daw ito.

“Sabi ko, ‘eh sino bang tao ang walang topak?’ Hindi ba? Kasi, itong babaeng ito (Angel), good na sa direktor, mas marunong pa sa direktor. ‘Gusto mo ba mag-direk, ne?’ sabi ko. Nagdidirek na rin.

“‘Yun bang mayroon siyang mga inputs, ang daming questions, she collaborates with the director. Kaya ako, nakita ko ‘yung positive talaga,” sey ni Maria.

May sumigaw ng “I love you, Inay!” at sagot naman niya “I love yah! Oh yeah!”

Kaaliw!

Jerome willing uli na magpakabeki

Ayaw sanang tanggapin ni Jerome Ponce ang role na bading sa pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Nag-audition daw siya sa movie without knowing na ito ang ibibigay sa kanyang papel ng direktor na si Jason Paul Laxamana.

Biro nga ni direk Jason, nabudol-budol niya raw si Jerome at napapayag na rin niya.

Kuwento ni Jerome, sobrang nailang siya doing the intimate scenes lalo na ang shower scene.

Gaano ba kahirap para sa kanya ang mga eksena?

“Siguro, mas pipiliin ko pang ma-stress kung paano ko makuha ‘yung drama sa iyakan na eksena, sa mabibigat na eksena kaysa ‘yung doon (sa scene sa movie).

“Aminado ako, ang dami kong nilunok na... siyempre, bago, paninibago, eh. Hindi ko kinaya. Pero masarap din sa pakiramdam na ang galing, na-exceed ko ‘yung limit,” he said.

Pagkatapos ba nito ay open na siya na tumanggap ulit ng gay role?

“Titingnan natin. Oo, bakit hindi? Nagawa ko na naman na, di ba? Saka gusto ko rin siyempreng makita ‘yung reaksyon ng mga tao. Kung masaya naman pala sila na ganu’n, bakit hindi?” sambit ng aktor.

Diretso rin niyang sinabi na open na rin daw siya sa paghuhubad on screen dahil nasimulan na rin daw niya sa pelikulang ito.

Showing na sa Oct. 2 ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love. Kasama rin sa movie sina Jane Oineza, Myrtle Sarroza, Albie Casiño at Tony Labrusca hatid ng Regal Entertainment.

Yen at Chai friends pa rin

After Halik na nagtapos nitong nakaraang Abril ay wala pa ulit bagong teleserye si Yen Santos kaya naman tiyak na matutuwa ang kanyang fans dahil mapapanood nila ang aktres ngayong Sabado (September 28), pagkatapos ng It’s Showtime sa episode ng Ipaglaban Mo titled Paninira.

Happy si Yen na ang kasama niya rito ay ang co-star sa Halik at best friend din niya in real life na si Chai Fonacier. Gagam­panan nila ang role na magkaibigan din pero naging mortal na magkaaway dahil sa isang lalaki na gagampanan naman ni Bryan Santos.

Ayon kay Yen sa interview niya sa ABS-CBN online, si Chai at si Hero Angeles ang naging kaibigan niya habang ginagawa nila ang Halik na nagpatuloy kahit tapos na ang serye.

vuukle comment

JEROME PONCE

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with