^

Pang Movies

Kit nagsalita sa nakaraan nila ni Pia

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kit nagsalita sa nakaraan nila ni Pia
Pia Wurtzbach

Klinaro ng Fil-Am ex-Pinoy Big Brother housemate-turned actor na si Kit Thompson na naging magkaibigan sila ng 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa New York City, USA nang mamirmihan ang beauty queen sa Big Apple for one year habang siya pa ang reigning Miss Universe. Nagkataon naman na nag-aaral noon sa New York Film Academy si Kit pero hindi umano na­ging sila dahil bukod sa may kasintahan na noon si Pia at may non-showbiz girlfriend naman si Kit.

Matapos mawala sa showbiz ng ilang taon nang mag-desisyon siyang mag-aral ng acting at filmmaking sa New York, balik showbiz na si Kit at isa siya ngayon sa pinaka-busy among the young actors.

Si Kit ay kabilang sa primetime TV series na Sino ang May Sala, Mea Culpa na magtatapos ngayong Biyernes, August 9 habang lead actor siya sa Cinemalaya movie na Belle Douleur (beautiful pain) na siyang directorial debut ng lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso. Ito’y pinagtatambalan nila ni Mylene Dizon at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa darating na August 14.  Ang nasabing pelikula ay co-production ng Quantum Films ni Atty. Joji at ng iWant.

Daniel at Kathryn pinaka-successful na loveteam

Hindi ikinakaila ni Daniel Padilla ang kanyang pagiging supportive boyfriend sa kasintahang si Kathryn Bernardo at muli nitong pinatunayan ang pagmamahal niya nang lumabas ang dalawa sa ASAP Natin ‘To: Bay Area na ginanap sa SAP Center ng San Jose, California, USA kamakailan lang.

Ipinahayag ni DJ ang kanyang pagmamahal at pagiging proud sa kasintahan at pagiging successful ng unang tambalan nila ni Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye na pinamahalaan ni Direk Cathy Garcia-Molina under Star Cinema at patuloy pa ring pinipilahan sa takilya magmula nang ito’y ipalabas in cinemas nationwide last July 31.

Umaasa naman ang KathNiel fans na sana’y muling magtambal ang dalawa either sa isang teleserye o pelikula dahil ang kanilang last movie together, ang The Hows of Us ay mag-iisang taon nang naipalabas at ang last TV series nila, ang La Luna Sangre ay nung 2017 pa.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with