^

Pang Movies

Lorna nagsasalita na sa AP

Vir Gonzales - Pang-masa
Lorna nagsasalita na sa AP
Lorna Tolentino

MANILA, Philippines — Malaking bagay ang involvement ni Lorna Tolentino sa FPJ’s Ang Probinsyano. Pambugaw daw kasi ng antok para sa mga nanonood ang kanyang mga eksena.

Paano naman, pulos pagpupulong na lang ang mga eksena. Pinag-uusapan nilang kung paano haharapin si Baron Giesler na palaging nakatawa kahit walang katatawanang pinag-uusapan. Dati ay pangiti-ngiti lang ang drama ni LT pero ngayon, medyo may halong kataksilan na ang kanyang pagiging mabait kay Rowell Santiago.

Maswerte si Gardo Versoza dahil sa naturang serye ay kursunada ng aktor si LT. Mabigat ang babaeng pinupuntirya niya unlike noon na mga starlet on the go lang ang category.

Mayors Joy, Isko at Vico mabilis ang aksyon

Ilang araw pa lamang nakakaupo si Mayor Isko Moreno, ang batang ama ng Maynila pero ang dami na agad pagbabago. Naibalik niya ang Lacson underpass na naging pribado noong araw at ipinagkait sa taumbayan.

Nilinis niya rin ang maruruming kalye sa Avenida, Sta. Cruz, Recto, Divisoria at ibang parte ng Maynila.

Hindi rin niya ipasasara ang Manila Zoo na muntik na ring mabenta.

Madalas daw dumalaw noon si Isko sa naturang zoo at ayaw niya itong mawala. Marami ring planong pagpapaganda ng kanilang nasasakupan ang mga batang mayor na sina Joy Belmonte at Vico Sotto.

Female personalities parang bumalik sa panahon ng bold

Sa showbiz, totoo palang history repeat itself din ang nangyayari. Pansinin ninyo ang mga artista ngayon. Para mapansin, patambukan sila ng katawan. Halos kakapiraso na lamang ang kanilang saplot sa katawan.

Ganito ang tanawin noong panahon ng bold pictures. Palakihan ng puwet at boobs ang mga artista.

Well what else is new pa nga ba sa showbiz? Paulit-ulit lang yan.

Personal…

Birthday greetings to July born movie stars na sina ex First Lady Imelda Marcos, Shiela Ysrael, Techie Agbayani, Mutya ng Pilipinas  Cecille O Brien, Ciarra Sotto, Deo Macalma, Xian Lim, Ian Ignacio, Sunshine Dizon, Dingdong Avanzado at Louie Heredia.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with