^

Pang Movies

Taylor nakahanap ng kakampi laban kay Justin

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Taylor nakahanap ng kakampi laban kay Justin
Justin Bieber

Pagkatapos depensahan ni Justin Bieber ang manager niyang si Scooter Braun dahil sa akusasyon ni Taylor Swift na nambu-bully ito sa pagbili at pag-angkin nito sa music catalog ng singer, may biglang dumepensa kay Taylor at si Justin naman ang pinaratangan nitong isang bully dahil sa pagtrato sa mga babae.

Ito ay si Emma Porter, isang choreographer at professional dancer na nakatrabaho ni Bieber sa Purpose World Tour nito noong 2016.

Ayon kay Porter, kasal sa aktres na si Ellen Page, “degrading” daw ang pagtrato ni Bieber sa mga babae.

“I regret working under your name. I gave your universe my naive body, creativity, time and effort. Twice. For content you made millions off of. While I made zilch,” ayon pa kay Porter.

Hindi raw tama ang binayad ni Bieber sa kanyang minimum wage kung ikukumpara sa naging trabaho niya para rito.

“I couldn’t afford to eat. I was sweeping studio floors to be able to practice my own craft. The way you degrade women is an abomination,” diin pa ni Porter.

Naka-relate daw si Porter sa nararanasan ngayon na sakit ni Taylor Swift dahil sa panglalamang ng mga lalaki para maangkin ang pinaghirapang gawin ng isang babae.

Tama raw si Taylor to call Scooter Braun sa ginawa nitong “incessant” ang “manipulative bullying”, na tulad ng talent nitong si Bieber na isa ring bully.

Miguel at Bianca nakatanggap ng maraming ‘thank you’

Nagpapasalamat ang BiGuel loveteam nila Bianca Umali at Miguel Tanfelix dahil nanatili pa rin ang magandang ratings ng primetime teleserye nila na Sahaya sa new timeslot nito simula noong Lunes.

Nakatanggap nga raw sila ng “thank you” messages sa social media mula sa mga estudyante at iba pang teens dahil mas napaaga raw ang pagpanood nila ng Sahaya.

Karamihan daw ng mga loyal viewers nila ng Sahaya ay mga estudyante na nakatutok sa istorya dahil marami raw silang natutunan sa kultura ng mga Badjaw.

Bukod sa Sahaya, kasama rin ang BiGuel loveteam sa pelikulang Family History na produced, written, directed at bida si Michael V.

Masuwerte nga raw ang BiGuel love­team na sa ikatlong movie ng loveteam nila, isang henyo sa comedy ang kasama nila.

Former U-Kiss member na nakatambal ni Heart, naka-graduate ng journalism!

Proud college graduate na ang South Korean singer/actor na si Alexander Lee na naging leading man ni Heart Evangelista-Escudero sa teleserye na My Korean Jagiya.

Noong July 1 ay pinost ng 30-year old former U-Kiss member sa IG ang pagtatapos niya sa Korea University. Pinost ni Xander ang kanyang graduation photo at ito ang nilagay niyang caption:

“Haven’t posted anything for more than a month. But I’m BACK! Been so busy with school but now I’m finally done with undergrad! Thank you everyone (especially @tbsefm101.3 , @gmanetwork , etc.) for adjusting and bearing with my schedule. :) Honestly, after years of going to school, I’m gonna feel so empty, since school is really over. But who knows? Might go to grad school in future! But let me take a LONG rest first. Here’s a sneak peek of my grad pic! Graduation ceremony is in February so I would love to travel a lot and relax, and of course WORK hard once again! Life is like a box of chocolates. I’m so excited about what’s ahead!”

Bukod kay Heart, ang ilan pang Kapuso stars na nag-congratulate kay Xander ay sina Thea Tolentino, Inah de Belen at Nikki Co.

Ang tinapos na kurso ni Xander ay Journalism and Mass Communications. Bago siya pumasok sa K-pop industry, nag-aaral noon ng kursong Communications sa De Anza College in California.

Maraming fans si Xander sa Pilipinas na hinihintay ang kanyang pagbabalik at sana raw ay magkaroon na ng part 2 ang My Korean Jagiya nila ni Heart.

vuukle comment

JUSTIN BIEBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with