^

Pang Movies

Marian hatid-sundo si Zia sa school!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian hatid-sundo si Zia sa school!
Zia

Bitbit si Ziggy

Ang lakas ng palakpakan at tilian ng fans nang dumating si Marian Rivera para sa event niya as the brand ambassador ng Kultura held at the SM Megamall Fashion Hall. Na-miss siya ng fans after giving birth sa second child nila ng husband na si Dingdong Dantes, si Jose Sixto Gracia Dantes o Ziggy, last April 16.

Renewal of contract iyon ni Marian at kasabay ang launch ng bago niyang t-shirt collection. Sabi ng manager niyang si Rams David, dapat daw ay noon pa ito, kaya lamang preggy na nga si Marian kaya after niyang magsilang saka itinuloy ng Kultura ang pagri-renew ng contract sa kanya.“Salamat sa Kultura for trusting me again,” sabi ni Marian, pagkatapos ng contract signing. “Dapat lamang i-open natin ang kaisipan ng mga tao sa gawang Pinoy, mga produktong Pinoy dapat tangkilikin. I’m a proud Pinoy at proud sa mga gawang Pinoy.

“Katuwang po ako ng Kultura sa paggawa ng mga stylish na T-shirt at makikita ninyo dito ang mga bagay na gusto ko, like iyong design na jeepney, doon makikita ninyo na may flower, kasi mahilig ako sa flowers, mayroon ding design ng local culture natin.”

Sa pamamagitan ng isang short fashion show, ipinakita ang iba’t ibang design ng t-shirts na ilo-launch sa SM Southmall Event Center sa July 2 at 3PM as Kultura showcases Marian Rivera t-shirt collection.

Meanwhile, sa kabila ng pagiging abala ni Marian sa muli niyang pagbalik sa trabaho, abala rin siya sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak at very rewarding iyon sa kanya.“Masaya ako doing mother’s duty, like iyong hatid-sundo ko si Ate Zia sa school dahil may classes na siya. Dala ko lagi si Ziggy. Ang bait-bait ni Ziggy, malakas dumede, hindi siya iyakin, hindi siya nagpapabuhat. Responsible Ate naman si Zia, kapag nagpapalit ako ng diaper ni Ziggy, siya ang kumukuha ng diaper na ipapalit, nagtatapon sa basurahan ng diaper. Kapag may ginagawa ako, sinasabihan ko si Ate Zia na bantayan si Ziggy, nakakatuwa, hindi niya iniiwanan si Ziggy, kinakantahan pa niya.”

Hindi pa sure si Marian kung kailan siya babalik sa trabaho niya sa GMA Network. “Pinadalhan na nga ako ng sulat ng GMA na bumalik na nga raw ako, pero hindi ko pa maiwanan ang mga anak namin, ayaw kong pagsisihan na wala ako sa tabi nila habang lumalaki sila. ”

StarStruck Final14 ini-launch na!

Masaya ang naging launch sa Final 14 ng StarStruck 7. Kita mong interesado ang media na nag-attend ng StarStruck Final14 mediacon dahil kahit nagkaroon na ng open forum na isa-isa na nilang sinagot kahit ang mga personal questions, nag-stay pa rin sila para sa one-on-one interview.

Sa Saturday, June 29 at Sunday, June 30, ang muling pagharap ng Final 14 sa Council, sina Ms. Cherie Gil, Heart Evangelista at Jose Manalo.

 

vuukle comment

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with