^

Pang Movies

Alma hindi pa pagod sa beauty contest

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Alma hindi pa pagod sa beauty contest
Alma Concepcion

Muling sasabak sa beauty pageant si Alma Concepcion.

Si Alma ang napili para i-represent ang Pilipinas sa Miss And Mrs. Grand Universe Pageant na gaganapin dito sa Manila sa September 2019.

Excited si Alma na muling mabigyan ng pagkakataon na i-represent ang Pilipinas sa edad na 43. 

Masasabing beterana na si Alma sa pagsali ng mga beauty pageants. Sa edad na 15 ay nanalo ito bilang Miss Hawaiian Tropics Philippines. 

Kinoronahan naman bilang Bb. Pilipinas-International 1994 si Alma at lumaban siya sa Miss International in Tokyo, Japan. Umabot siya sa Top 15  at nauwi niya ang special award na Miss Friendship.

 Makakalaban pala ni Alma para sa title na Miss Grand Universe (para sa candidates ages 25-45 years old, single moms or divorced with or without kids) ang 45 candidates mula sa iba’t ibang bansa.

Bagong music video ni Taylor Swift nag-reyna sa social media

Nag-trending ng bongga sa social media ang launch ng bagong music video ni Taylor Swift na You Need To Calm Down na mula sa upcoming studio album niya na Lover.

Nag-premiere sa Good Morning America at YouTube ang You Need To Calm Down ng 8:15 AM on June 17 at nakakakuha na ito ng higit na 27 million views.

Marami ang natuwa sa music video ni Taylor dahil dedicated ito sa LGBT community at ang pakikipagkaisa ng singer na magkaroon ng equality ang lahat ng genders sa society.

At sa naturang music video ay may cameo ang naging frenemy ni Taylor na si Katy Perry.

vuukle comment

ALMA CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with