^

Pang Movies

Beauty bihasa sa pagbubungkal ng kamote

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Beauty bihasa sa pagbubungkal ng kamote
Beauty Gonzales

Marami ang hindi nakakaalam na produkto rin pala ng Pinoy Big Brother si Beauty Gonzales. Masaya niyang binalikan ang alaala niya sa paggi-guest niya sa Magandamg Buhay. Dito rin niya inamin na nung kabataan niya ay madalas siyang magluto ng camote cue na isang ordinaryong gawain ng mga kabataan nung panahon niya.

Ang ikinaiba lamang niya sa mara­ming nagluluto nito ay siya pa rin ang humuhukay ng kamote sa mga pinagtaniman nito. Para rin sa isang umamin na hirap siyang umiyak, isa siya ngayon sa maituturing na magaling magpaiyak at nadadala ng akting niya ang lahat ng manonood ng Kadenang Ginto. Ang away nila ni Dimples Romana ang nagdadala sa programa kaya narating nito ang napakataas na posisyon nito sa ratings game.

Pinaghahandaan na rin ni Beauty ang posibleng pagbabalik sa serye ng namatay nang character ni Albert Martinez.

Makisig nagpakasal na

After his stint in Bagani, biglang disappear si Makisig Morales. Napakabilis ng kanyang pagbabalik ng showbiz pero agad din siyang nawala. Ngayon ay baka mas magtagal pa ang kanyang absence o tuluyan nang hindi bumalik dahil nagbago na ang estado ng kanyang buhay.

Nag-asawa na siya, pinakasalan na niya ang kanyang Fil-Aussie girlfriend na isa ring beauty queen. At baka dun sa Australia na nila gustong ipagpatuloy ang kanilang married life.

Gina Lopez kikilalanin ng Miss Earth

Karapat-dapat lamang si Gina Lopez sa tribute na ipagkakaloob sa kanya ng PH Miss Earth 2019 beauty pageant. Isa ang host ng GDiaries na epektibong nakapagsusulong ng environmental awareness hindi lamang sa pamamagitan ng kanyang programa kundi maging bilang isang pribadong mamamayan.

Marami ang nanghinayang na napulitika ang appointment niya bilang DENR chief. Marami pa sana siyang magagawang mabuti para sa ating mother earth. Tatangkain ng PH Miss Earth 2019 na may layong katulad ng sa kanya na ipagkaloob sa kanya ang pagkilala na ngayon lamang niya matatanggap. Ang PH Miss Earth  ay kasalukuyang hinahawakan  ang titulo ni Miss VietnamNguyen Puong Khanh. Kandidato natin sa taong ito si Mariafe Loayon ng Cebu.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with