^

Pang Movies

Dawn Zulueta, makikipagkulitan kay Arnold!

Pang-masa
Dawn Zulueta, makikipagkulitan kay Arnold!
Dawn Zulueta

MANILA, Philippines — Ngayong Miyerkules (June 19), dadalaw for the first time sa Tonight with Arnold Clavio (TWAC) ang nag-iisang si Miss Dawn Zulueta.

Humanda nang mamangha kay Dawn—na bida sa upcoming Kapuso movie na Family History kasama si Michael V—sa ipapakita niyang charm, beauty at intelligence habang nakikipagkulitan kay Igan.

Sa “Insta-truth”, ibabahagi ni Dawn ang ilang throwback pictures kung saan makikita ang iba’t iba niyang looks na talagang patok sa kanyang fans. Malalaman na rin kung ano ang sikreto sa kanyang ageless beauty.

Bukod sa pagiging excellent actress, isang certified music lover din si Dawn! Hindi lamang siya tutugtog ng piano, magpapakita pa siya ng kanyang dancing skills.

Always classy at glamorous ang peg ni Dawn, pero malalalaman sa tatak-TWAC game na “Nasubukan Mo Na Ba” kung siya ay simple at Pinoy na Pinoy rin. Nasubukan na kaya niyang mag-take home ng pagkain sa party, kumain nang nakakamay at makipagtawaran sa tiangge?

Makikilala rin si Dawn bilang wife at mommy, bagay na may kaugnayan sa pinakabago niyang pelikulang may temang pam-pamilya.

Huwag palampasin ang nakakaaliw na kuwentuhan kasama si Dawn Zulueta ngayong Miyerkules sa Tonight with Arnold Clavio, 10:15 pm sa GMA News TV.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with