^

Pang Movies

Douglas Quijano inalala sa 10th death anniversary

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Douglas Quijano inalala sa 10th death anniversary

Noong June 13 ang 10th death anniversary ng BFF ko na si Douglas Quijano.

Kahit sampung taon na ang nakalilipas, marami pa rin ang nakaalala sa death anniversary ni Douglas dahil mahusay ito na ma­ki­sama noong nabubuhay pa.

Hindi lamang ang pagi­ging magaling na talent manager at discoverer ang kontribusyon ni Douglas sa Philippine showbiz dahil competent producer din siya ng mga pelikula at television show.

Malalim ang pinagsamahan namin ni Douglas na naging mentor ko noong nag-uumpisa pa lamang ang career ko bilang showbiz reporter.

Perfect na kaibigan si Douglas dahil tino-tolerate niya ang mga kapilyahan ko at kapag may ginawa ako na mga kagagahan, hindi siya nagagalit as in tanggap na tanggap niya ang flaws ng karakter ko.

Kilalang-kilala rin ni Douglas ang ugali ko kaya sa tagal ng friendship namin, never na nagkaroon kami ng tampuhan o away.

Napaka-soft spoken ni Douglas na malakas ang sense of humor at bihirang magalit.

Samantala, hindi inilibing ang bangkay ni Douglas dahil napagkasunduan ng kanyang pamilya at mga alaga na ipa-cremate siya.

Naghati-hati ang mga talent ni Douglas sa cremated remains nito kaya wala silang puntod na dinadalaw tuwing ginugunita ang death anniversary ng kanilang manager at kapag All Saints Day.

Halos magkasunod na namatay noong 2009 sina Douglas at Michael Jackson. June 13 nang makita ang lifeless body ni Douglas sa vacation house nito sa Lucban, Quezon at June 29 nang matagpuan ang walang buhay na bangkay ni Michael Jackson.

Nang mamatay si Michael, “nagkita na sila ni Douglas” ang reaksyon noon ng fans dahil ilang linggo lamang ang pagitan ng kanilang pamamaalam.

Winwyn nami-miss ang kanyang Tatay Dougs

Maliit pa si Winwyn Marquez nang mamatay ang kanyang Tatay Dougs pero hindi pa niya nalilimutan ang masasayang araw na magkakasama sila.

Mga tunay na anak ang trato ni Douglas sa lahat ng mga anak nina Joey Marquez at Alma Moreno kaya nang magdalaga at pumasok sa showbiz si Winwyn, missed na missed nito si Douglas.

Kung nabubuhay pa si Douglas, tiyak na siya rin ang manager ni Winwyn at isa sa pinakamaligaya nang manalo na Reina Hispanoamericana noong 2017 ang kanyang anak-anakan.

Aktor sa isang top-rating teleserye biglang naglaho, lumipat sa kalaban!

Biglang nawala ang karakter ng isang aktor sa top-rating teleserye.

Hindi na tinalakay sa kuwento ng teleserye ang dahilan ng disappearing act ng aktor na hindi naman pinatay ang karakter as in basta na lang, naglaho siya na parang bula.

Ang tsismis, tinanggap ng aktor ang offer na teleserye ng rival network. Malapit nang mag-umpisa ang taping niya para sa bagong teleserye kaya nagpaalam na siya sa kanyang mga co-star at production staff.

Hindi pinigilan ang aktor pero marami ang nanghihinayang dahil kung kailan humahataw sa rating ang programa nila, saka siya nag-babu sa programa.

vuukle comment

DOUGLAS QUIJANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with