^

Pang Movies

Matteo walang projects kaya nagsundalo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagpakalbo na si Matteo Guidicelli. Bahagi iyon ng training sa pagiging scout ranger na tatagal daw ng isang buwan. Si Matteo, bagama’t pumasok lamang bilang reservist sa army, gusto niyang madaanan ang lahat ng pagsasanay ng isang sundalo. Hindi basta-basta iyan.

Nagagawa lang iyan ni Matteo dahil wala siyang naka-schedule na projects ngayon. Mukhang maliban doon sa ini-launch niyang single kamakailan, wala namang project na nakahanda para sa kanya kaya nagawa niya iyan. Kung may nakaabang na project iyan, papaano siya makakasama sa isang buwang training. At iyong ganoong pagpapakalbo niya, palagay ba niya maibabalik ang dati niyang buhok kung isa o dalawang buwan lang? Imposible iyon. Malamang sa hindi, kaya niya pinasok iyan ay wala pa siyang nakikitang possible project kung tatlong buwan lang.

Medyo babagal talaga ang takbo ng kanyang career sa ngayon, dahil wala na nga siya sa management mismo ng network. Feeling nila siguro, hindi naman sila responsible kung ano man ang kalabasan ng career ngayon ni Matteo dahil iba na ang kanyang managers.

Hindi naman natin alam kung ano ang plano ng kanyang mga managers sa ngayon, ang dami rin kasi nilang artista sa ilalim ng kanilang kumpanya, hindi na rin naman sila ganoon kadalas gumawa ng pelikula. Wala rin naman silang television network. Kaya kung ano ang dumating na proyekto, hati-hati na muna ang kanilang mga talents.

Siguro ang naisip nga rin ni Matteo, kaysa naman naghihintay lang siya kung ano ang susunod niyang gagawin, mas mabuting mag-military training na lang siya. May nadagdag pa sa nalalaman niya na maaari rin niyang gamitin sa kanyang career bilang isang actor.

Juliana sa showbiz pa rin ang bagsak

Hindi kami magtataka kung dumating ang isang araw na marinig nating artista na rin at hindi nagmo-modelo lamang ang magandang dalaga ng mayor ng Ormoc na si Richard Gomez na si Juliana Gomez. Aba eh mukhang kahit na anong iwas eh doon siya nababatak.

Kung natatandaan din ninyo, una siyang na-link sa male starlet na si Marco Gallo, na umamin pang nagkaroon sila ng “understanding” talaga ni Juliana bago siya umalis at nagdesisyong magbalik na sa kanyang bayan sa Italya. Pero sa parte ni Juliana, nag-deny pa siya.

Ngayon naman, iyong binata ni Aga Muhlach ang sinasabing umaaligid sa dalaga ni Goma, at mukhang ang mga tatay ang nag-uusap. Ano pa nga kaya ang kasunod para sa dalaga ni Goma?

Kumpanya na nag-produce ng pelikulang flop, puspusan ang pagpapa-block screenings!

Basta ang isang pelikula nagsimula nang flop, hindi mo na aasahang babangon iyan kahit na mag­habol ka pa nang maghabol ng mga pralala. Lalo’t halata namang gawa-gawa lang ang magandang nasasabi tungkol sa pelikula mo.

Siguro para iwas kahihiyan din, talaga raw nagsisikap ngayon ang isang kumpanya na magsagawa ng block screenings para hindi maalis ang kanilang ginawang pelikula sa mga sinehan. Pero hanggang kailan nga ba sila magtatapon ng pera para sa isang pelikulang hindi naman kumikita? Habol din ang kanilang mga pralala sa social media, pero sa tingin namin ay talagang wala na.

Mali kasi ang pagkakapakete ng pelikula sa simula pa lang.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with