^

Pang Movies

Angel ayaw balikan ang Darna

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang post ni Patricia Javier sa kanyang Facebook account, “Star Cinema is looking for the new Darna! I would love to be part of it as the mother of the Darna!”

Kalakip ng post na ‘yon ay ang pictures niya na naka-Wonder Woman costume na gawa ng actress/dancer na si Regine Tolentino.

In fairness, bagay kay Patricia ang costume.

Sa tingin kaya ng mga taga-Star Cinema ay bagay rin kay Patrcia na maging nanay ng gaganap na bagong Darna?

Wala pa ring announcement ang mga taga-Star Cinema kung sino na ba ang papalit kay Liza Soberano.

Marami naman ang may dudang na babalik din kay Angel Locsin ang Darna project.

‘Pero mabilis siyang nag-no!

Kat di pa sure kung gagawa ng bagong travel show

Ang Instagram story post ni Kat de Castro habang nasa Burgos, Ilocos Norte at may nagsu-shoot habang hinihingay niya ang kanyang Ilocos empanada.

Tinanong ko si Kat kung shoot na ba ‘yon ng kanyang travel show para sa IBC-13?

Nang makausap kasi ng entertainment press si Kat ay marami ang nag-suggest sa kanya na bumalik uli sa pagho-host na parang ‘yung Trip na Trip na isa siya sa mga naging host at produced ng kanilang Bayan Productions para sa ABS-CBN noon.

“Hindi. Para ‘yon sa segment ng Swak na Swak, sila lang ang may shoot, nakisabay lang ako dahil may pupuntahan din ako sa Pagudpod,” sabi ni Kat.

Hindi pa nakakapagdesisyon si Kat kung gagawa nga ba siya ng travel show para sa Trese since siya na nga ang president/CEO ng nasabing TV network.

Ang sabi ni Kat sa akin kahapon, gusto niyang paingayin ang Cooltura show nila na may bagong episodes na.

Pinag-iisipan din ni Kat na maglagay ng showbiz talk show.

Samantala, marami nga pala ang enjoy sa panonood ng re-runs ng old IBC-13 shows like T.O.D.A.S. Hapi House at iba pa.

Raymond busy sa negosyo ng mga kaibigan

Ang launch noong Thursday sa Grand Hyatt Rooptop sa BGC ng summer collection ng #the_edit clothing brand ng magkakaibigang Solenn Heussaff, Georgina Wilson, Liz Uy at Isabelle Daza.

Si Raymond Gutierrez ang namahala ng launch na ‘yon.

“I produced the party last Thursday night at the Hyatt Rooftop,” sabi ni Raymond nang makausap ko.

Bale two weeks preparation lang daw ‘yon at nagawa naman ni Raymond at siya na rin ang nag-host.

Maraming mga kumukuha kay Raymond para gawin ang launch ng kanilang mga produkto.

Isa si Ruffa Gutierrez sa mga nagpunta sa nasabing launch nilang support kay Raymond pati na rin kina Solenn, Georgina, Liz at Isabelle.

Wala nga pala sa nasabing launch si Solenn.“She’s in Bali (Indonesia),” sabi ni Raymond.

Available online ang summer collection ng clothing apparel na ‘yon.

vuukle comment

PATRICIA JAVIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with