^

Pang Movies

Sosyalerang mga taga-showbiz ang friend, mahina sa Inglisan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sosyalerang mga taga-showbiz ang friend, mahina sa Inglisan!

Hindi raw marunong mag-English ang isang socialite na friend ng maraming taga-showbiz.

Laugh trip ang kuwento ng ex friend ng nasabing socialite. Oo nga raw at sobrang yaman ni ateng socialite, pero ayun ang kanyang weakness ang makipag-englisan.

In all fairness, ‘di ba kung mayaman ka naman, puwede ka namang magpa-private tutor ng English speaking kaya parang nakakaduda naman.

Pero hindi matatawaran ang credibility ng ex friend ni Madam Socialite kaya believable ang kuwento niya.

Well, wala namang masama kung hindi ka mahusay sa salitang banyaga, ang importante nakakapag-around the world siya.

FB hindi lumikha ng ingay sa takilya?

Walang balita kahapon kung anong naging kapalaran sa takilya ng pelikulang Familia Blandina.

Kahit sa social media ay walang masyadong ingay ang pelikula na pinagbibidahan ni Karla Estrada.

In all fairness, family movie ang FB at matagal bago natapos, pero nagustuhan kaya ng mga gumagastos sa panonood ng pelikula?

Or hihintayin na lang nila ‘yun sa streaming provider? Or sa cable kaya?

Anyway, tuluyan na ngang nanamlay ang piracy ng DVD ngayon. Wala nang masyadong nagbebenta. Sa mga probinsiya mo na lang makikita ang mga nagnenegosyo ng mga pirated CD and DVD na ‘yung iba ay copy ng TV shows.

Yup ‘yung iba ay episode ng mga teleserye na hindi nasusubaybayan ng ibang kababayan natin sa probinsiya.

Hindi naman kasi lahat ay mabilis ang internet at nagbabayad sa mga streaming provider para makapanood ng TV shows and movies na mga luma na.

So nagtitiyaga pa rin sila sa pirated CDs and DVDs.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with