^

Pang Movies

Serye nina Kyline at Therese, kikilatisin na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Serye nina Kyline at Therese, kikilatisin na!

Huhusgahan na ngayong Lunes, February 11, ang premiere telecast ng Inagaw Na Bituin, sa GMA Aftenoon Prime. Naiiba ang teleseryeng ito, dahil isa itong musical-drama na magtatampok sa dalawang young actresses na may ipagmamalaki nang acting awards, here and international, sina Kyline Alcantara at Therese Malvar. Isama pa sa kanila ang dalawa ring primera actresses na sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, with Marvin Agustin, Gabby Eigenmann and Jackie Lou Blanco.

Sa direksyon ni Mark Reyes, parehong nag-record ng mga kanta nila sina Kyline at Therese, Sunshine at Angelika ng original songs na kakantahin nila sa serye, Hindi pumayag si Direk Mark na iba ang kakanta ng mga ito.

Magiging leading man nina Kyline at Therese si Manolo Pedrosa na itinuring na isang blessing sa kanya na nakapasa siya sa audition na ibinigay ng GMA-7. Kasama rin sina Renz Valerio, Patricia Tumulak, Alyanna Asistio at Melbeline Caluag.

Dingdong aligaga na sa bonding kina Marian at Zia

Simula na ngayong Monday ang finale week ng Cain at Abel, nagkita-kita na ang mag-iinang Belen (Chanda Romero), Daniel (Dingdong Dantes) at Elias/Miguel (Dennis Trillo) kaya naman mas maraming pasabog na eksenang magaganap sa action-drama series na dinidirek nina Don Michael Perez at Toto Natividad.

Kaya naman si Kapuso Primetime King, aligaga na rin sa pagsasama sa kanyang mag-ina, sina Marian Rivera at Zia Dantes sa weekend bonding nila.

Noong isang araw, tinuturuan ni Dingdong si Zia na mag-shoot ng iba’t ibang size ng plastic balls sa mga basketball net at sino pa nga ba ang tagapalakpak tuwing makaku-shoot si Zia ng bola kung hindi si Marian na nag-caption sa Instagram ng “Family is life’s greatest treasure... My treasures, My life, My true happiness... soon magiging tatlo na sila. Salamat Ama.”

Kaya after ng Cain at Abel, ang pagkakaabalahan muna ni Dingdong ay ang taping ng Amazing Earth na napapanood every Sunday sa GMA-7 at ang pag-aasikaso na sa kanyang mag-ina, habang papalapit na ang pagsisilang ni Marian ng kanilang baby boy.

Ang Cain at Abel ay napapanood pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

Rita abala sa musical play

Thankful si Rita Daniela na sunud-sunod ang blessings na dumarating sa kanya, una na rito ang mataas na rating ng kanilang Afternoon Prime drama series na My Special Tatay nila ni Ken Chan. Love na si Aubrey ng netizens dahil bumait na ang kanyang character.

At isa pang pinagkakaabalahan ni Rita ngayon ang re-run ng musical play na Eto Na! Musikal nAPO na napapanood sa Maybank Performing Arts sa BGC, Taguig City. Ginagampanan ni Rita ang role ni Anna, ang love interest ng character naman ni Mark Bautista na si Rick.

Happy si Rita dahil hindi niya ini-expect na magkakaroon ng re-run ang kanilang musical play na ipinalabas na last year. Nagsimula na sila ng re-run ngayong February at tatagal ito hanggang sa April.

“Salamat po na marami pa ring gustong manood at mapakinggan ang timeless hits ng Apo Hiking Society,” sabi ni Rita.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

THERESE MALVAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with