^

Pang Movies

Toni handa na sa pagpapakasal ni Alex!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Toni handa na sa pagpapakasal ni Alex!

Walang problema kay Toni Gonzaga kung sakaling maisipan nang magpakasal ng kanyang younger sister na si Alex Gonzaga sa non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.

Tutal nga naman ay nasa wastong edad na ang kapatid bilang 30 years old na rin ito.

“Si Alex ang tipo ng tao talaga na hindi mo madiktahan. Kung ano talaga ‘yung feel niya, kung ano ang nasa puso niya, ‘yun ang ginagawa niya.

“So, if ever na darating ang araw na ikakasal na talaga siya, siyempre, susuportahan ko siya,” ani Toni.

As for her marriage life, aminado naman ang aktres/TV host na masayang-masaya sa piling ng asawang si Paul Soriano at anak na si Sevé.

Happy siya na napakabait ng kanyang asawa na araw-araw daw ay talagang sinasabi kung gaano siya kamahal.

“Ang affection ni Paul is through words and affirmation. Ganyan ang pag-show niya ng love. ‘Yun ang kanyang love language.”

Siya naman daw ay hindi ma-words at nahihiya raw siya.

Hindi raw masyadong mahilig magbigay ng material gift si Paul pero binilhan naman daw siya nito ng van noong ikasal sila bilang wedding gift sa kanya.

Negosyong cosmetics ni Kris may nakikitang future

 Masayang-masaya ang star ng Asawa Ko, Karibal Ko na si Kris Bernal dahil doing well ang kabubukas pa lamang niyang negosyo, ang SHE Cosmetics.

Panay ang posts niya ng mga order forms ng kanyang mga customers kaya naman sobrang thankful siya.

“Building, taking charge, operating @shecosmeticsph on my own with only few good hearted people helping me out.  For me, that makes this whole journey different from the others.  Thank you to those who have placed their orders today! Little did you know I have access to everything so I saw all your inquiries and orders!  I am overwhelmed by your love and support!” post ni Kris sa kanyang Instagram.

Sobrang hands on ng aktres sa kanyang bagong online business na ito. Aside from Asawa Ko, Karibal Ko ay dito talaga siya naka-focus ngayon at happy ang aktres na parehong maganda ang resulta ng serye at negosyo.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with