^

Pang Movies

Nalunod nanay ni Sarah hindi pa nakakabawi ng lakas

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nalunod nanay ni Sarah hindi pa nakakabawi ng lakas

Dagdag na dasal ang kailangan ni Sarah Lahbati para sa kanyang nanay na nalunod sa Siargao two days ago.

Nagbabakasyon sa Siargao ang kanyang mga magulang nang malunod ito at nailigtas ng kanyang tatay. Malakas daw ang hampas ng tubig kaya kahit magaling itong maglangoy, hindi nakayanan ang lakas ng alon sa dagat.

Naiuwi na siya ni Sarah from Siargao kahapon. “Please continue praying for my mama. She’s finally back in Manila but her lungs are infected from the drowning yesterday and she is still in pain from the loss of blood when she vomited. She has fever, no energy and no appetite.... Lord please heal her. Please. Please pray for her fast healing...” pakiusap ni Sarah sa kanyang IG post kahapon.

‘Angkas’ nagpatulong sa showbiz

Kahit nakalagay sa Republic Act 4136 na “motorcycles registered in the service are not authorized to conduct business and offer public transport” pinipilit ng ibang operators nito na ituloy ang operation ng motor na nag-aangkas na isa ngayong malaking negosyo.

Nauna nang pinatigil ang Angkas operations last year dahil nga sa business permits pero pinayagan ng Mandaluyong Regional Trial Court na puwede silang mag-operate nang hindi pinakikialaman ng gobyerno kaya humataw sila.

Pero nung December 5, kinatigan ng Supreme Court ang petition ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Department of Transportation (DOTr) na huluhin na ang mga Angkas biker.

Ngayon ay ginagamit ng grupo ang social media para bawiin ang ruling ng Supreme Court at nangatuwiran na itutuloy nila ang pag-o-operate kahit na nga may decision na ang SC.

At ang latest, magpapa-concert pa sila na suportado ng ibang mga artista tulad nina Nadine Lustre, Sam Concepcion, Hale, Ella Cruz, Shanti Dope at iba pa sa December 22 sa QC Circle.

For real, ba ito na kahit against sa decision ng SC, susuwayin nila at ipaglalaban?

Saka ‘di ba ang daming record ng aksidente sa motor at sila na ang naghahari-harian sa daan? Kung makasingit sila ganun-ganun na lang tapos ipu-push pa nila ang pag-aangkas?

Ngek, anik ba ‘yan? 

Catriona inuna ang mga bata pagbalik!

Mga bata from Tondo ang unang kinita ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kahapon pagbalik ng Maynila two days pagkatapos koronahan bilang ika-4th Filipina na Miss Universe.

Ang mga batang-tondo ang bumida sa kanyang sagot sa final round ng Q & A na isa sa nagbigay ng malaking puntos para makuha niya ang korona.

Wala namang korona at sash ng Miss Universe na suot si Catriona nang dumating ng bansa kahapon sakay ng private plane ni former Ilocos Gov. Chavit Singson na umano’y may hawak na ng franchise ng Miss U sa bansa at sa buong Asia.

Wala pang official statement na inilalabas ang company ni Mr. Singson tungkol dito.

vuukle comment

SARAH LAHBATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with