^

Pang Movies

Coco ban nga ba sa GMA?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Coco ban nga ba sa GMA?!
Coco

May mga nagtatanong kung hindi ba raw puwedeng banggitin ang name ni Coco Martin sa promo ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa mga programa ng GMA-7?

May mga nakapansin kasi na no mention si Maine sa pangalan ni Coco nang mag-promote siya kahapon ng Jack Em Popoy sa Sunday Pinasaya.

Sinabi lang ni Maine na siya, si Bossing Vic Sotto at marami pang iba ang starring sa pelikula nila na kasali sa Metro Manila Film Festival 2018.

Hindi ko napanood ang episode kahapon ng Sunday Pinasaya kaya clueless ako sa emote ng fans ni Coco.

Mahirap sabihin na bawal banggitin ang name ng Coco sa mga show ng Kapuso Network dahil napapanood siya sa trailer ng Jack Em Popoy na paulit-ulit na ipinapakita sa timeslot ng Eat Bulaga.

Nababanggit din ni Bossing ang pangalan ni Coco sa tuwing ipina-plug niya sa Eat Bulaga ang kanilang coming soon movie.

Nag-dialogue din si Coco sa presscon ng Jack Em Popoy na gusto niya na mag-guest sa Eat Bulaga kaya magpapaalam siya sa management ng ABS-CBN. Walang nakikita si Coco na reason para hindi siya umapir sa number one noontime program ng GMA-7.

Liza, Pinky, Boyet at Elizabeth nagluluksa

Nagluluksa ang showbiz dahil sa pagpanaw kahapon ng former sexy symbol na si Alona Alegre. Sina Liza Lo­rena, Pinky de Leon, Christopher de Leon at Elizabeth Oropesa ang ilan sa mga artista na nagdalamhati nang malaman nila ang nangyari kay Alona.

Hindi na masyadong kilala si Alona ng millennials dahil hindi na siya active sa showbiz.

Kung may mga nakakakilala man kay Alona, ito ay ang fans ng kanyang pamangkin na si Maja Salvador.

Sikat na sikat si Alona noong dekada ’70 dahil nagbibida siya sa mga pelikula at favorite leading lady ng mga action star. Naging kapareha siya nina Fernando Poe, Jr. at Ramon Revilla, Sr. sa mga pelikula.

Si Alona ang isa sa mga may pinakamaganda na mukha sa showbiz noong bagets pa siya.

Movie producer din si Alona dahil siya ang nag-produce noon ng ilang mga pelikula na pinagbidahan niya tulad ng Nympho.

Natatandaan ko na AA Productions ang pangalan ng film company ni Alona na isa sa mga pinakamayaman noon na aktres.

Nanirahan sila sa Dasmariñas Village sa Makati City at may restaurant business siya noon sa Makati, ang Palazzi.

Na-discover si Rico Puno sa Palazzi na pinuntahan noon nina Boss Vic del Rosario at Boss Orly Ilacad. And the rest is history.

Ang Batang Estero na pinagbidahan ni John Regala noong 1997 ang huling pelikula na ginawa ni Alona at mula noon, hindi na siya visible sa showbiz.

Certified Marcos loyalist si Alona dahil sumasali ito sa mga pro-Marcos rally pagkatapos ng EDSA People Power Revolution noong 1986.

Nakikiramay ako sa lahat ng mga naulila ni Alona na isa sa mga pina­kamabait na artista na nakilala ko. Nakaburol ang labi niya sa Marian Memorial Chapel sa Marcos Highway, Antipolo City.

Ang kanyang mga half-sibling na sina Ramon at Phillip Salvador ang nag-aasikaso sa burol at libing ni Alona na makulay na makulay ang life story noong nabubuhay pa siya.

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with