^

Pang Movies

Inigo rumesbak sa mga nagpapauwi sa kanya sa Amerika

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Inigo rumesbak sa mga nagpapauwi sa kanya sa Amerika
Inigo, Piolo

Bumanat na rin sa bashers si Inigo Pascual.

May nag-send ng ilang reply ni Inigo sa bashers na namimintas sa kanya.

“Patingin nga ng mukha mo... lmao” nang sabihin sa kanyang ang panget naman niya.

“Bat ako papapigil sa tulad mong di naman kaya ako harapin...?” ang sagot naman ng anak ni Piolo Pascual nang sabihing bumalik na lang siya sa Amerika.

Hindi na nga nakapagpigil si Inigo sa mga paninira sa kanya sa social media na madalas ay kinukumpara siya sa kanyang daddy Piolo at sinasabing hindi niya namana ang charisma ng amang aktor na hanggang ngayon ay kinakikiligan ng lahat kahit na nga naglaho na sa eksena ang mga kapanabayan nito.

TJ gusto sanang walang makaalam ng pagkawala

Wish pala sana ni TJ Cruz na walang makaalam ng nangyari sa kanya.

Si TJ ang eldest son nina Tirso Cruz III and Ms. Lyn Cruz na sumakabilang buhay dahil sa lymphatic cancer.

Nagluksa ang showbiz sa pagkawala ni TJ na kakaunti ang nakakaalam na nagkasakit pala.

Maymay nagpasalamat sa diyos

“Let your light shine before others.”

(Matt. 5:16) Nakakaiyak lang isipin na dati pinapangarap ko lang ang nararamdaman kong to. Yung tipong pag iniisip mo sya kay hirap na abutin pero minsan pala pag pinabayaan mo lang at marunong maghintay sa tamang panahon kung para sayo talaga ibibigay sayo. Shempre sa likod ng natamo ko sa lahat ng to pinapasalamatan ko ang Panginoon, sa mga taong naging dahilan at tulay ng aking tagumpay,” sabi ni Maymay Entrata matapos rumampa sa Arab Fashion Week.

Kaya hindi talaga dapat mawalan ng pag-asa ang mga nangangarap. May way talaga si Lord na matupad ‘yun katulad nga nitong nangyari kay Maymay na although maraming pumupuri may ilan din namang nami­mintas na bubot pa raw siya sa rampahan.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with