^

Pang Movies

Marian at Dingdong may rebelasyon sa pangalawang baby

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian at Dingdong may rebelasyon sa pangalawang baby
Marian & Dingdong

Sa November 20 ang gender reveal ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng second baby nila. Ito ang isinagot ni Marian sa tanong kung ano ang magiging baby nila kasunod ni Zia, nang mag-renew siya ng endorsement contract niya sa Nailandia for the 4th time. Nagpasalamat si Marian sa may-ari ng Nail Studio and Body Spa na kahit daw preggy siya ay kinuha siya muli.

 

Kamias na isinawsaw sa asin ang unang hiningi ni Marian nang maglihi siya. Basta raw maaasim at maalat, gusto niya, di tulad noong kay Zia na mga matatamis na white chocolate at candy. Hanggang ngayon daw na almost five months na siya, may morning sickness pa siya at kapag lumabas siya at matrapik, nahihilo siya. Kung dati, hindi siya lumalabas kung hindi siya nakaayos, ngayon kahit wala siyang make-up, lumalabas siya.

Magaan din namang kumilos si Marian. After nga ng contract signing niya, tumuloy pa siya sa GMA Network para sa mediacon nila ni Dingdong ng The Color Run Hero Tour na magaganap sa November 18, sa McKinley West, Taguig City, na tatakbuhin ang 5k ni Dingdong kasama ang iba pang Kapuso stars. Si Marian, lalakarin daw lamang niya iyon. Ang proceeds ng I Am Super camgpaign ay mapupunta sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.

Vic nakita ang kakayahan ni Maine sa comedy

Something new naman ang inisip ni Bossing Vic Sotto nang i-conceptualize nila ni Direk Chris Martinez ang bago nilang sitcom na Daddy’s Gurl na napapanood tuwing Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto.

“Naisip kong hindi na lamang laging sa studio kami magti-taping, mas maganda iyong parang nagsu-shooting kami ng movie,” sabi ni Bossing sa press visit ng ilang media sa set nila. 

Inamin din ni Bossing na siya ang nakaisip na bigyan na niya ng isang sitcom si Maine Mendoza na gumaganap na anak niyang si Visitacion ‘Stacy’ Otogon.

“Nakita ko na kasing ready na si Maine to do a sitcom, nakikita ko na may flair siya sa comedy, marunong siya ng timing, at nang i-offer ko sa kanya, sabi ko ang production ko ang involved, nagustuhan naman niya at tinanggap ang offer ko. ”

Tonight, special guests na makakatikim kay Itang Barak ang mga manliligaw ni Stacy, na sina Martin del Rosario, Kiko Estrada at Jak Roberto.

Bukas naman, ang first birthday celebration ng unica hija nina Bossing at Pauleen Luna, si Maria Talitha na isinilang noong November 6.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with