^

Pang Movies

Kaseksihan ni Bianca si Ruru na raw ang makikinabang

Nitz Miralles - Pang-masa
Kaseksihan ni Bianca si Ruru na raw ang makikinabang
Ruru Madrid

MANILA, Philippines — Nagpasabog ng kaseksihan si Bianca Umali sa Instagram kung saan naka-two-piece swimsuit ang young actress at may caption na “tanned and the happiest”.

Kahit malayo ang kuha ng picture, aninag pa rin ang kaseksihan nito.

Marami tuloy ang na-­ins­pired na mag-gym at magaya nila ang kaseksihan ni Bianca. ‘Katuwa lang dahil may mga iniinggit si Miguel Tanfelix, hindi na raw niya makikita ang kaseksihan ng ex-GF nito at si Ruru Madrid na raw ang makikinabang.

Mali lang ang nagsasabing hindi na masusubaybayan ni Miguel ang kaseksihan ni Bianca dahil sila ang magkatambal sa pelikula ng APT Entertainment. Sila rin ang magkatambal sa bagong tele­serye na naka-schedule for next year.

Samantala, inaabangan pa rin ng shippers nina Bianca at Ruru ang photos sa bakasyon nila sa Japan. Hanggang ngayon, wala pang lumalabas na mga litrato ng dalawa sa bakasyon nila.

Bea mataba sa TV kahit diet nang diet

Habang nanonood ng Kapag Nahati ang Puso, nag-agree kami sa binanggit ni Bea Binene nang minsang makausap namin sa taping ng mor­ning series. Problema ng aktres kung paanong hindi siya lumabas na mataba sa TV. Kahit daw anong anggulo ang gawin ng cameramen, malaki siyang tingnan, pero kung makikita naman siya sa personal, payat naman siya.

Nag-agree kami sa sinabi ni Bea dahil payat nga siya sa personal at laging on diet para hindi tumaba. Kahit nga maraming pagkain na binili ang mom niya para sa mga reporter, hindi kumakain si Bea at kahit tumikim, hindi ginawa.

Samantala, this Friday na ang ending ng Kapag Nahati ang Puso at malalaman na kung buhay si Claire (Bea Binene) dahil nabaril siya ni Miranda (Bing Loyzaga). After 16 weeks, magtatapos na ang morning series na sinubaybayan ng marami.

ElNella gwardyado ng mga manager sa Canada

May nakakuha ng photos nang pag-alis nina Janella Salvador at Elmo Magalona para sa series of shows nila sa Canada. Hindi sabay na dumating sa airport ang dalawa at wala rin litrato na nagkatabi man lang. Ang lumabas na pictures, sina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo na kasama nina Elmo at Janella sa Canada shows ang kasama ni Janella.

Ang tsika pa, mga manager  nina Janella at Elmo ang kanilang kasama sa paglipad papuntang Canada. Hindi nakitang kasama ang mom ni Janella na si Jenine Desiderio o ang mom ni Elmo na si Pia Magalona.

Ang wish ng ElNella fans, makapag-usap sina Elmo at Janella habang nasa Canada at ayusin ang nangyari sa kanila. Para kahit daw hindi sila magkabalikan, maging magkaibigan man lang sila.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with