^

Pang Movies

Cloie at Catriona maglalaban sa korona ng Miss U?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Cloie at Catriona maglalaban sa korona ng Miss U?!
Cloie

Mukhang malaki ang chance ng anak ni Gabby Concepcion na si Cloie Syquia Skarne na mapanalunan ang Miss Universe Sweden title at siya ang ipadala para lumaban sa Miss Universe in December sa Bangkok, Thailand.

Sa Instagram account ni Cloie, nag-post siya na isa siya sa napiling finalists para sa Miss Universe Sweden na ang grand coronation ay sa September 23 sa Cafe Opera in Stockholm.

“Don’t forget to vote for me online (Click on the 5th statue to give 5/5, from each device mobile, computer, tablet, etc.!) It only takes 2 seconds,” pakiusap pa ni Cloie sa kanyang 63,000 followers.

Ang kanyang ate na si KC Concepcion na full support sa kanyang baby sister: “YASSSSSS get it sistah!”

Ganu’n din sa super supportive ay ang isa pa niyang ate na si Garie Concepcion: “Oh my goodness! Good luck sis.”

Kung magwawagi nga si Cloie bilang Miss Universe Sweden title, makakalaban niya ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe na si Catriona Gray na isa sa mga sinasabing malakas ang chance na mapanalunan ang Miss Universe crown.

Joyce tahimik ang naging bakasyon

Tahimik na nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas ang nakilalang Pantasya ng Bayan na si Joyce Jimenez.

Nakita ang sexy photo ni Joyce kasama ang eventologist na si Tim Yap sa post nito sa Instagram habang nasa Panglao Island in Bohol.

Taong 2008 noong iwan na ni Joyce ang showbiz para sa isang tahimik na buhay sa Amerika kasama ang kanyang mister na si Paul Ely Egbalic. May tatlong anak na si Joyce na sina Jorja Ely, Jaysen Elise at Julian Elysson.

Sumikat si Joyce noong taong 1999 dahil sa unang pagbida nito sa pelikulang Scorpio Nights 2. Nasundan ito ng iba pang sexy roles kung saan naging leading men niya sina Jomari Yllana (Warat), Mark Anthony Fernandez (Biyaheng Langit), Robin Padilla (Bilib Ako Sa ‘Yo), Richard Gomez (Linlang), Jay Manalo (Balahibong Pusa) at Albert Martinez (Ang Galing-Galing Mo Babes).

Gumawa rin ng mga wholesome na romantic-comedies si Joyce with Aga Muhlach (Narinig Mo Na Ba Ang L8est?), Diether Ocampo (Ano Bang Meron Ka?) at Piolo Pascual (I Think I’m In Love).

Nakasama rin si Joyce sa historical film na Lapu-Lapu with Lito Lapid.

Sa TV ay nagkaroon ng teleserye si Joyce sa GMA-7 na Halik Sa Apoy at ABS-CBN 2 ay isang sitcom na Da Pilya En Da Pilot.

vuukle comment

CLOIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with