^

Pang Movies

Pepe noon pa attracted kay Ritz

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Pepe noon pa attracted kay Ritz

Natanong namin si Pepe Herrera kung type ba niyang ligawan si Ritz Azul, ang kanyang leading lady sa kanilang pelikulang The Hopeful Romantic under Regal Films ni Mother Lily.

Parehas naman silang single at parehong umaming loveless sila.

Ibinalik naman ni Pepe ang tanong sa amin, “’Di ba mas mabuti, if we ask her first kung puwede ba siyang ligawan?.”

Ang ganda ng credentials nitong si Pepe na isa palang theater actor at kalaunan ay naging aktibo na rin sa showbiz.

Nag-aral siya ng music at naka-graduate sa University of Santo Tomas. Naging member pa nga siya ng choir group sa kanilang campus, ang Coro Tomasito.

Si Coco Martin ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na mapanood sa TV, napili siyang maging sidekick ni Coco noong nagsisimula pa lang ang FPJ’s Ang Probinsyano at sa nabanggit na series din sila nagkaroon ng pagkakataong magkatrabaho ni Ritz.

Simula raw noon ay naging attracted na siya kay Ritz. Hindi lang daw ito maganda, kung hindi mabait pa.

Ritz mahilig sa pulitika

Samantala, si Ritz ay dating contract talent ng TV5 bago siya naging Kapamilya.

Ngayon ay mainstay na siya sa Sunday gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae.

Si Ritz ay isang Kapampangan at isang political leader sa kanilang lugar, naranasan niya nang mapasama sa Sangguniang Kabataan noon.

Tulad ni Pepe, ang pelikula nilang The Hopeful Romantic na idinirek ni Topel Lee, ang biggest break ni Ritz bilang aktres so far.

Well, goodluck, Ritz.

Ramon Revilla Sr., excited na sa pagiging action star nina Jolo, Bryan at Luigi

Halata raw ang kasiyahan ni former Senator Ramon Revilla Sr. para sa paglabas ng comeback film nilang Tres under Imus Productions na pagmamay-ari nila.

Ang Tres ay isang trilogy na ginawa ng magkakapatid na Jolo, Bryan at Luigi Revilla.

Hindi lang daw si Bong Revilla ang masaya, kung hindi pati na rin siya.

Na-e-excite raw ito sa tuwing mababasa niya sa mga pahayagan at tabloids, at pinanonood niya rin ito sa TV.

Ayon kay Andeng Ynares, isa sa mga anak niya at asawa ni Antipolo Mayor Jun Jun Ynares, okay na okay pa rin daw ang paningin ng kanyang ama.

Samantala, ang trilogy nina Jolo, Bryan at Luigi na Tres ay may tatlong parte, ang una ay 72 Hours ni Jolo, kasama si Rhian Ramos at mula sa direksyon ni Dondon Santos.

Pangalawa ay Virgo ni Bryan with Carla Humphries at mula naman sa direksyon ni Richard Somes, at ang pangatlo ay Amats ni Luigi at Myrtle Sarroza bilang kanyang leading lady, mula ulit ito sa direksyon ni Dondon Santos.

Nakatakdang ipalabas ang Tres sa October 3, sa mga sinehan nationwide, mula sa pamamahala ng Star Cinema.

Jairus at Sharlene determinadong maka-graduate

Kaya pala hindi na masyadong active ang dating Goin’ Bulilit partners na sina Sharlene San Pedro at Jairus Aquino sa showbiz ay dahil busy na sila sa kani-kanilang pag-aaral sa college.

Determinadong makapagtapos ang dalawa kaya nagpupursigi sila.

Si Sharlene ay mapapanood na lang ngayon sa MYX Music Channel bilang isang VJ (Videojockey).

Si Jairus naman ay malapit nang mapanood sa pelikulang Petmalu (meaning: malupet), kung saan makakasama niya ang ilan sa mga kaibigan niyang Kapamilya talents din.

Kasalukuyan daw siyang may non-showbiz girlfriend.

vuukle comment

RITZ AZUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with