^

Pang Movies

Vice Mayor Joy, idol sa matataong lugar!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Vice Mayor Joy, idol sa matataong lugar!
Gian Sotto & VM Joy

Ay! Siya nga pala, idol pala ng ilang matataong lugar sa Quezon City, lalo na sa Galas at kahabaan ng Espanya at Fairvew si Vice Mayor Joy Belmonte.

Tiga-Galas ako at dun ako lumaki, pero dito na ako ngayon nakatira sa Sta. Rosa Laguna. So, sigurado na sa darating na eleksyon si Madam Joy, dahil last term na ng present Mayor Herbert “Bistek” Bautista ngayong 2018. Marami akong kamag-anak sa Galas at may mga kapatid pa na makakahatak din sa boto para sa inyo VM Joy. Halos lahat ng trycicle driver sa Galas ay tropa ng utol ko, ngayon pa lang ay usap-usapan na nila kung sino ang napipisil nilang suportahan, at walang iba po kundi kayo raw Madam Joy.

Malaki ang nagawa ni Mayor Herbert Bautista sa lungsod at nakita nila ang inyong team up kung kaya gusto nila na ikaw ang magpatuloy sa mga project na maiiwanan ni Mayor Bistek.

Well, Goodluck po Madam Joy, wish ko lang na sana wala ng dayaang mangyari sa darating na elekyon 2019. 

Jackie Lou kinamumuhian

Ang daming basher si Jackielou Blanco, sapul nang umapir siya sa noontime series ng GMA-7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka.

Minumura siya, kesyo malandi, demonya, at kunsintidorang nanay. Lahat ng bad words ay ibinabato sa kanya. E dyusko naman, bad kasi ang ginagampanan niyang role sa nasabing series na kung saan siya ang gumaganap na nanay ni Jackie Rice.

Wish bus malaking tulong sa mga singer

Nakatulong ng husto sa music industry ang pagkakatatag ng WISH FM 107.5 na nangunguna ngayon sa YouTube na sobrang tinatangkilik ng ating mga kababayan at pati na rin ng ibang mga lahi.

Bukod tanging ang Pilipinas ang may Wish Bus (Radio Station) na talaga namang high quality ang sound system na kung saan ay nabibigyan ng pagkakataon na mag-perform live ang mga datihang singers at mga baguhang singers sa loob mismo ng Wish Bus.

Napakaganda, kasi habang kumakanta ang mga guest singer nila ay umaandar ang Bus at umiikot ito sa mga matataong lugar. Ilan sa mga napanood kong nag-perform sa Wish Bus ay sina Gary Valenciano, Marco Sison, Basil Valdez at Martin Nievera.

Sa mga baguhang singer naman, ang mga awitin ni Morisette Amon ang naging top sensation na nakakuha ng million views at daan-daang libo na comments.

10th Star Awards for Music handa na

Kita kits tayo mga tsuppatid, mga ka-friendship sa September 9, 2018, 8:00pm sa Resorts World Manila para sa 10th Star Awards for Music (A decade of OPM Excellence). Produced by Tessie Celestino Howard ng Airtime Marketing Inc., mula sa direksyon ni Bert de Leon.

As usual, star studded ito at sagana sa tugtugan. See you there guys!

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with